Masayang nakasakay sa jeep pauwi mula sa Lipa City Market si Donna. Hawak hawak niya yung matagal na niyang inuungot sa nanay nya na iregalo sa graduation niya.
Isang celpon na may camera.
"Ha, hindi na ako magpapabluetooth sa classmate ko, sa wakas, meron na akong cp na may camera." ang malakas na sabi niya sa katabi na napatingin lang sa kanya.
"Paki ko!" sabi nung babae na ang arko ng kilay ay maikukumpara mo sa humapay na kawayan pag nagtag bagyo.
Inismiran ni Donna ang katabi at hindi na nakapaghintay, binuksan na ang kahon at isaisang inasemble.
"Ayaaaaan, may charge yung battery!" ang tuwang tuwa na sabi ng dalagita sa sarili.
At habang natakbo ang jeep, panay kuha ng picture sa sarili at pati na katabi ay isinasama.
"Yes, yes...may i-upload na ako sa fb mamaya sabay tapon ng kahon sa labas ng jeep.
Palibhasa ay nasa highway mabilis na nawala yung kahon at di nya napansin, napasama ang wallet nyang dala na may lamang pamasahe at remittance ng nanay nya sa pang isang buwan.
Kasabi sabi pa naman ng nanay nyang si Vicky, tipirin at ang mga amo nya ay pa amerika, kasama siya kaya di agd siya makakapagpadala.
Malapit na siya nung maalala nyang wala pa siyang bayad. Kukuha na sana siya sa wallet ng pamasahe ng matuklasan nyang hangin na ang binubuksan nya.
"Nawawala ang wallet ko, Naykupo!" ang panginginig nyang sabi sa katabi.
"Para Mama, naitapo ko po yung wallet ko kasama nung kahon." paiyak nyang sagot.
Biglang namreno ang driver at pumaling sa kanya, "Baka naman ayaw mo lang magbayad, luma na stroke iyan ga ineng!"
"Hindi po, nandito po iyon sa kandungan ko, baka po naisama sa kahong inihagis ko kanina sa hiway." ang patuloy na paglalahad ng dalaga.
"Eyyy, ano ga iyan, sabi ng isang pasahero, ay malulusaw na ang ice cream kong binili, aba, kakahiyang ipakain sa party ang garneng itsura.! sabi ng isang pasahero.
"Ay uo nga, mabibilasa ang tulingan ko, ay ano ga. tayo ng yumao. katagal tagal sa paradahan tapos dine pa titigil sa may ilang." ang pagrereklamo ng isa pa.
"Ay ineng, mabuti pa ikaw ay bumaba na sa sunsurin mo ga ang daan pabalik, wala namang nadaang jeep, siguro'y makukuha mo at napayir sa tabi iyon." ang suhestyon ng isang matanda.
"Aba aba, ay paano ang upa nya.."
'EH di kayo mag usap." sagot ng isa...
"Wala po akong pera, maawa na po kayo"..ang patuloy na iyak ni Donna.
Napatingin ang driver sa hawak nyang celpon, masamang masama ang tingin, kumunot ang noo at huminga ng malalim.
"Nakupo, ang cellpon ko pa yata ang kursunada." nanlaki ang mata ni Donna. Humakbang siyang paatras para makaipon ng lakas kung siya'y aagawan ng celpon. Hinding hindi nya ibibigay. Magkakamatayan na.
May sinabi ang lalaki na di niya mawatasan. Para siyang papanawan ng ulirat sa magkahalong takot at pinagpawisan na siya ng malagkit dahil masama na din tingin sa kanya ng mga pasahero.
Bumalik ang lahat sa kanya ng tapikin siya ng driver at may inaabot na papel.
Siya, bahala ka na jan. hintayin ko ha..ingat at madaming pasahero.
Nga nga si Donna sa nabasa. address ng fb account nung driver..
"ALA INENG, TANGHALI NA HALIKA NA AT NAKAPOSE NA KAMI!"
"Nye!', ang sabi ni Donna, nakababa na lahat ng pasahero at may kanya kanya ngang lugar..
At heto ang first post ni Donna sa Fb account nya courtesy ng bagong celpon.
At ang wallet, ayun napulot ni Tomas..yung may barberya sa kanila..