Sunday, May 26, 2013

ALAS...2.0









Wednesday, May 1, 2013

Mayo 2

Umaga na naman.

 pagkainom ng kapeng barako nasinawsawan ng pandesal na binili kay Lito.

 Kinuha ko na ang sako upang sumama sa mga kabataan nang paglilibot sa kanluran.

 Ito ang tawag namin sa kalawakan ng parang, tubuhan, palayan, manggahan at gubatan sa bahaging iyon ng Luta Sur.

 Matapos namin malampasan ang bahay ng Nanay Ideng, bumungad na sa amin ang bukid na kinukuhanan namin ng bugal sa tanghali para itambak sa balisbisan ng bahay.

Doon sa may manggahan ang aming tambayan para maghintay sa isa't isa.

"Nanood ka ng alay kagabi?" tanong ni Larry habang hawak ang kanyang lilik at sak .

"Oo naman, di ka ba nanood?" tanong ko.

"Nagpunta, pero di kita nakita." ang sagot ni Larry.

"Nasa tabi ako ng Kakang Ite."

"Mamaya, abutan mo din ako ng Pop ha?.

"Oo, pero 'wag ka papahalata at magsasabi."

''Sige, tara na nang makapangahoy na." pagyayaya ni Larry.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko naman.

"Dun sa Alinsanayan."  isang magubat na parte ng Luta.

"Di ba may sipay doon?" pag aatubili kong tanong. Ang sipay ay tawag sa mga nangunguha nang bata.

"Bakit, takot ka?"

"Hindi ah, pero ayaw ko din sana sumama. Malayo, baka mapagalitan ako."

"Siya, doon na lang tayo sa may  niyugan sa tabi ng tubuhan  nina Burne at Buddha."

"Sige!"