Friday, July 6, 2012

ALAS Part 12

"The group will be doing the expedition at Scarborough Shoals on the fifhtient of this month, We will

be split into three groups, one will be going to Palawan where it will be split again into two.  The last

team will go to Pag-asa Islands at Spratly's to undertake their research there,  Any questions class? 

ang sabi ni Mrs. Platero while pakiling kiling ang ulo at pilit na tinatanaw ang mga naka upo sa

likuran.

"Mam, ilang araw po tayo dun sa trip natin? tanong ni Benjie sa maestra.

"More or less a week tayo, we need to cope with our schedule and present something sa darating na

science festival."  sagot ni Mrs. Platero.

"Ok is that all? muling tanong nito..

"Ok then, class dismiss"

"Benjie, are you going sa trip?" pagtatanong ni Eric sa kaibigan.

"Oo, Ernani is also joining me, how about Fhe?

"Malayo makasama, iba kasi course noon.  Numbers hilig noon.

" Ahh. Ok!" ang pagtangong sagot ni Benjie.

"So papaano, see you then." pamamaalam ni Eric sa kaibigan.


"Ok, always remember that you always wear your lifevests! ang sabi ng guide ng kanilang sasakyang bangka

papunta ng isla ng Kalayaan.

"Mam, asan po sina Benjie? Tanong ni Sarah at Ernani sa Propesora nila.

"Sa Scarburough muna sila, wait na lang nila tayo doon. sagot ng propesora. Susunod na lang tayo doon."

Wednesday, July 4, 2012

Pinas, Pinas, Saan Ka Pupunta?


by Marvin Pasco Bucu on Wednesday, March 9, 2011 at 5:26pm ·

Sa araw araw na problema na kinakaharap ng pilipinas, still nakukuha pa din nating mga pinoy na mabuhay. 
 inspite of ningas cogon, still we are living. pero up to when we can manage to be like this…
the world itself is not getting any younger.  andiyan ang global warming, terrorism at kung anu ano pa.
sa pagkain, pag baka, may mad cow, pag gulay, may pesticide, pag manok, may bird flu, pag isda, may red tide, pag bigas, my shortage, pag gatas, may melamin… ano na ba ang di pa lumilitaw?
are we getting along with time or it’s just we let time passed by?
now, the world is plunging into financial crisis, if this goes on… paano na ang buhay ni ordinaryong juan de la cruz… eto na ba yung sinasabing to live ay  be the fittest to survive….
i think we have to pause a little bit on this fast whirling world…

before it is too late…
let’s keep the Faith…
walang masama for a second of silent prayer para sa lahat… sana every 3 pm.. we perform the three o’clock habit.. even in our mind..

A Ballad Of Time


A Ballad Of Time

by Marvin Pasco Bucu on Sunday, February 20, 2011 at 9:19pm ·

strange but with the years have passed,
time that tolled, i still remember how you shine among the rest.
how you face, so young and vibrant
enchanted the birds and made them sing sweet music in the morning.
your aura, that let's the flower blossomed into their fullest.
the leaves to welcome the early sunrays,
the butterflies, scampering when you walks on by.

now at the noon of our lives, i found you by the river,
confused, hurt and disoriented.
lost was the vibrance,
gone is the aura,
shunned from the world
afraid when approached

fear not for i'll be with you
as you cross this river of life
we will both build a boat
that will take us to the other side.

no more time to lose
no more time to cry
let's walk, hand in hand
and face the test of time.

be not afraid my dear one
coz thru the test of time.
i'll be with you, by your side
let that loneliness fly away

East of the Moon, West of the Sun



by Marvin Pasco Bucu on Saturday, February 12, 2011 at 7:34pm ·

25 yrs have passed and during that time, i thought i could get over you.
you never give a chance before to listen to what my heart says about you.
i guess, because i'm not the one you really dreamed off being with even a minute of the day.
or it is just we're not destined to be as destiny dictates.

25 yrs have passed and during that time, i thought i could get over you.
you never crossed my path nor i never crossed yours
i guess, because i'm not really the one destined to be your partner in life.
or it is just fate denies what is supposed to be ours.

25 yrs have passed and during this time,we are waging wars of our own life,
you have your life and i have mine to fight
i guess, because there were never a chance we caught a glimpse of each other.
or it is we both looked the other ways when on the road

25 yrs and the moon sets to the east, while the sun sets to the west
well, what do we have here, a stroke of luck, dream, fate, destiny and technology.
i guess, because we are reunited again in flesh
or it is really the time set for us that fate allows and destiny dictates.

no matter what..
our love is here to stay...

Ayokong Sukatin Ang Buhay Ko


by Marvin Pasco Bucu on Saturday, September 25, 2010 at 11:36am ·

pag harap ko sa salamin, nagulat ako, sino ba itong kaharap ko...kanina lang, tinatawag ako ng nanay ko at papasok na sa eskwela.
kahit naglalakad lang kami, masaya kami, iisa kasi noon ang pwede naming puntahan kung ayaw naming maging taung bahay lang. Ang eskwelahan.
sa simpleng buhay noon, ang kwaderno ay walang idol idol na pabalat. ang baon, hinog na bayabas sa madadaanan naming mga bukirin. ke tapak ka man noon, wala kang takot kasi ZERO BASURA ang paligid noon. ilan lang kaming estudyante at ang pag-aaral ay talagang nasa puso at isip namin noon. kakahiya kapag nagkamarka ka ng itlog o mababa.  habang buhay mo kasing tataglayin ang katagang BOBO.
sa gabi, sa ilaw ng kingke, kahit mangitim ang ilong namin, nagsisiksikan sa liwanag makapag aral lang. at itong buhok ko, secret lang natin ito. di talaga kulot ito. nasunog isang gabi nung kasagsagan ng pagsusulit namin... pumasok tuloy akong kalbo kinabukasan, ok lang makapasa lang sa pag aaral.
naaalala ko pa pag may kasayahan sa bayan, pulu-pulutong kaming magsasamang kababaihan para manood, at noong unang pagdalo ko ng sayawan kasi js prom. andoon buong angkan namin para bantayan ako, tuwing may lalapit at isasayaw ako, si tatang awtomatikong nabunot ng itak kaya ang mga lalaki, di ako isayaw.
sa pagdadalaga ko at pag aasawa, panibagong hirap at pakikisama ko ang lumutang, kasama na din sa paglutang sa ere ang ingay ng  mga bata.  ang iyak, ang tawa, ang pagsusumbong ang kakulitan ng mga anak ko, akala ko, wala ng katapusan.
at eto ako ngayon, may sarili na ring pamilya ang mga anak ko, natupad na ang mga pangarap namin para sa kanila, at kaming mag-asawa ay panatag na sa buhay.
ang bilis nang panahon, mula sa unang pagputi ng buhok ko at sa tuluyang maglaho ang itim, parang saglit lang.
subalit sa kabila nito, di pa rin nawala ang aking mga kaibigan na laging andiyan at nagpapaalala sa akin na kayganda ng buhay.
sa panahong nangungulila ako sa lupang aking kinagisnan, i have friends na masasabing isang kapamilya na din.
i wonder if masusukat ang buhay ko, siguro pagdating na sa family at friends ko, INFINITE ang term ko.....

We have our own wonder girls


by Marvin Pasco Bucu on Monday, August 23, 2010 at 1:15am ·

Nay, alam ko, kahit papaano, masaya ka na. kasama mo na ang mga lolo at lola, mga kapatid mo. alam nating darating din tayo sa panahong ito. 'wag ka mag-alala, di ka naman namin makakalimutan, kanya kanyang time lang iyan.
pipilitin naming tanggapin, kahit masakit yung realidad na ang buhay ay hiram lang.
oo nga pala nay, di makakasama mo na jan yung ibang kaibigan mo. di buo na yung inyong grupo.
 mula sa kakang laura at nanay eding.
 magkakaroon na naman kayo ng over the cup of coffee sessions after nyong magpunta sa kanluran.
 kakatuwa ano, simple lang buhay nyo but para kayong mga teenager na naghihintayan pa sa bawat bahay at may mga oras pa ng puntahan.
 tapos pagdating nyo, ke santol o manga o anumang napanguha nyo, ipapasalubong nyo sa amin.
 alam mo nga pala nay ngayon, yung pinamumulot nyong kape, mula sa dumi ng alamid, pinakamahal ng kape sa buong mundo yun. 
sayang, too advance kayo ng grupo nyo. sana, di kayo yung napaginhawa ng kape.
pagkatapos ng bagyo, o kainitan ng araw, basta napag-usapan, pakanluran lagi kayo, kahit malayo kinakaya nyo. 
daig nyo pa nga kalalakihan sa kanto, sa bitbit nyo, di matatawasang napakabigat noon.
nay, wala na yung kanluran, kasabay na din ng panghihina mo.
 now, naniniwala ako, isa yun sa nagpapalakas sa iyo. ang ehersisyo.
katulad din ng kaibigan mo, unti unti, kinain ng katandaan ang lakas nyo.
sayang, nawala na yung kubo sa kanluran, yung napakamaraming manok, mga prutas, napabayaan lang. nagkawalaan, nakaligtaan.
pero wag kang mag-alala,
di yun mangyayari sa iyo, lagi ka naming mamahalin.
kasi isa ka sa original na Wonder Girls.
We Love you po.

We all know you're still there for us


by Marvin Pasco Bucu on Sunday, August 22, 2010 at 1:39pm ·

We called you by different names, Ate, Tiya, Nanay..
iba't-ibang tawag, sa iba't-ibang tao
iba't-ibang pagkakilala,
iba't-ibang pananaw.
iba't-ibang personahe.

pero para sa aming kapamilya mo, iisa ang ipinakita mo.
ang iyong naiibang dedikasyon at pagmamahal.
sa kapatid, pamangkin, at higit lahat sa apo.

iba ang iyong ngiti kapag narinig mong Nanay ang unang salita ng iyong pamangkin inaalagaan,
iba ang iyong tawa, punong puno ng buhay kapag isa sa ami'y natutong humakbang at maglakad.
iba ang iyong lungkot, kapag isa sa amin ay may sakit.
kung maari nga lang, ikaw na ang tumayo para sa kapakanan namin.

sa bawat lambing at haplos mo, di namin alam kung anong formula ang gamit mo.
mula sa iyong nakakabatang kapatid, hanggang sa huling umabot sa iyo,
puro nanay ang laging naririnig.

subali't dumating ang panahong kailangan naming hanapin din ang aming buhay,
di ka pa din tumigil sa suporta hanggang sa iba mo pang kapatid.
sa mga pamangking lumaki sa pag aaruga mo,
hanggang sa huli.

iniwan mo man kami, subalit ang aming puso ay ikaw pa din ang nangunguna.
di man namin matumbasan ang iyong mga ginawang sakripisyo para sa amin.
ayaw naming aminin wala ka na,

di na namin maririnig ang iyong hele sa tanghali,
at sa hapag kainan, wala na,
ang kape sa umaga,
ang maruya sa hapon.

ang sinaing na tulingan sa tanghalian,
ang minatamis mong kundol.
ang tsamporadong mula sa tunay na cacao
ang tinola sa gabi.

at higit sa lahat, ang iyong ipinagmamalaking sinukmani at halayang ube.
sa fiesta, iba ang timpla mo ng puchero, ang adobo, at ang relyeno
ang iyong embutido na laging nabubutas
at nawawala ang itlog kasi dinudukot ng iyong mga pamangkin.
lahat ng ginawa mong ito ay  mula sa sariling kamay.

minsang tayo ay dinaanan ng unos,
at pinili mong labanan ito, alang alang sa ating pagiging isang pamilya.
mas ipinakita mo ang tunay na kahalagahan ng pagpapakumbaba,
at pagiging isang nakatatanda sa aming lahat.
binigkis mo kaming lahat sa panahon ng unos.
tulad ng isang tunay na ina sa kanyang mga anak.

subalit mapait ang katotohanan,
maiksi lamang ang buhay.
wala ka na.
pero ang iniwan mong alaala, di lang sa litrato nakaimprenta,
kundi sa puso naming lahat nakaukit.

taglayin mo ang aming munting alaala sa iyo, at sa taong inilagi mong kasama ka namin, kung mauulit din lang,
may ngiti at bukal sa pusong sasabihin namin,
oo nanay, sana makasama ka ulit namin.
hindi lang isang pasasalamat kundi isang panghihinayang na nawala ka na sa amin.

we love you so much and whereever you are,
WE ALL KNOW YOU"RE STILL THERE FOR US!

Kapeng Barakong Malamig


by Marvin Pasco Bucu on Friday, August 20, 2010 at 8:45pm ·

Sa pag alis mo, kasama mo ang napakaraming alaala na iniwan mo sa amin.
tulad ng sa pang araw-araw nating gawain.
maaga pa lang, gising ka na at unang una mong gagawin
ay ang magsalang ng lutuan or we say lagaan ng kapeng barako.
di ko alam, kahit sino sa amin kung paanong ang iyong kape ay may sarili ng kalidad.
sa amoy pa lang habang ito'y kumukulo ay sapat na sa amin para magising ang ang dugo
lalo na't sa panahon ng nakakatamad na pagbangon.
sa aming paggising sa umaga, naghihintay na ang umuusok na kape para sa amin.
tama ang tamis, ang tapang, isang produktong  batangas.
lalo lang sumarap kapag may pandesal.
at sa aking paglaki, nakita ko sa iyo at natutunan ang proceso ng tamang pagluluto,
mula pagbibilad ng coffee beans, sa pagsasangag, at pagbabayo.
puro, walang halong mais o bigas...
katulad ng iyong pagmamahal sa amin, puro, walang bahid dungis.
now, wala ka na, iba na ang kapeng naiinom namin.
iba na ang lasa.
bland, wala ng pag aaruga at pagmamahal.
di kayang bayaran..
ang isang tasang kape mula sa iyong mga kamay. at ngayon,
kahit maraming tasa ng kape sa mesa,
di na kami makikipagunahan.
lumamig man siya o di mainom, kasi alam namin.
di na sa iyo galing iyon.
ke barako pa siya o instant.
ikaw yung gusto namin....
we will miss you a lot nanay...

No More Arms That Carried Us


by Marvin Pasco Bucu on Friday, August 20, 2010 at 10:34am ·

7 days ago, sinulat ko na namimiss na kita.
  akala ko hallucination lang iyong nakita ko, pero di na pala.
 alam mo, ang hirap nitong ginagawa ko, pero wala ito sa hirap nang ginawa mo para sa akin, para sa amin lahat.
 oras ang tumatagal bago ko mabuo ang isang pangungusap, sa pagitan ng iyak, hagulhol at pagpahid ng luha, dun pa lang tumitipa ang aking mga daliri para mabuo lahat ito.
naaala ko pa noon ang pagiging disiplinadora mo sa aming magkakapatid dahil kami ang lumaki na nasa piling mo, ang pagaalaga mo sa bawat isa sa amin, kapag maysakit, parang ikaw ang aming ina na nag aalala sa amin.
sa aming paglaki, pagkamulat, nandoon ka lagi, at kahit na may sama ka ng loob sa amin, palihim ka pa ding tumutulong sa amin, lalo na sa akin. hindi ko alam paano ko mababayaran iyon dahil sa aking pakikibaka di ako naging kasing tulad nilang naging matagumpay sa larangang pinili.
buhay kang mananatili sa puso at isipan namin, dahil sa pagmamahal at pag aarugang ibinigay mo sa amin, hinding hindi ka namin malilimutan.

ikaw ang tali na nagbigkis sa amin at hanggang sa huli, sinamahan mo kami kahit kami ay may kanya kanyang pamilya na.
wala naging patnubay namin sa pagsulong sa gulong ng buhay.
wala na yung nagkakarga sa akin kapag masakit ang ngipin ko nung kabataan ko.
naaalala ko pa nung pasko na maliliit kami, nung bigyan mo kami ng isang box na laruan na mula sa pinag ipunan mo, para kami noong tumama sa lotto,
kapag may handaan, ang iyong luto at iyong mga minatamis na talagang tumatagal ng taon bago masira, wala ng makakagawa nyan.
kapag darating ang mga kapatid mo, ang iyong preparasyon kahit dis oras ng gabi, maging maayos at masarap ang kanilang daratnan, wala ng makakagawa nyan.
kapag pinamumulot kami ng bunga, para sa nganga mo, wala ng kaming dadalahan.
kapag nagyayaya si chloe, punta tayo nanay, wala na si nanay chloe siguro di mo alam, mas masakit sa amin ni chloe ang pagkawala mo kasi ikaw ang namulatan nya, at ako ay namulat din sa iyo.

wala kang naging pamilya kundi kami na naging dedikado ka at di kami iniwan.

kasama ka na ng lolo at lola,
ng tatay ba, tatay do at tatay lito,
ng kakang ite at kaka marcelina,
ng aming daddy,
we are very gratefull na naging miyembro kami ng pamilya, thru thick and thin
sa hirap, at sa hirap pa rin.
di namin kayo malilimutan
it's now your time..
we regret losing you
pero ito ang buhay!

Arms That Carried Us Before


by Marvin Pasco Bucu on Friday, August 13, 2010 at 8:46pm ·

kanina, paggising ko, ewan ko but from nowhere, the smell of maruyang saging came into the air. strange, di naman nagluluto ng ganito sa saudi.
 i dismissed it as just i'm adjusting to my new ramadan schedule and hunger pangs usually sets in the midafternon coz there's no restaurant to take lunch. and eating at public view is prohibited.
while at the table, i saw a bunch of bananas bought by ate yolly from Panda and i remembered during my old days when we have saba that our Auntie, commonly we called nanay terang or nanay used to cook maruyang saging in the afternoon. 
maliliit pa nun sina toto at ineng and baby still barely in existence. 
 we savour it while still hot and drinking kapeng barako which made us perspire more in the afternoon. ewan ko but everytime there's storm i knew we would be having maruya in the afternoon.
here i am now, and for the last twenty years i barely see nanay. the last time i saw her, a year ago, she was really weak. 
and before that there were times that my mom will call me and nanay terang asked to talked to me and she will whisper on the phone that she will go now. 
there are times i sat in the car crying for the simple reason of missing her now at this situation, i can't even be near to her. 
when before, when i have a toothache, she will carry me and treated as her own son.
she never married and the closest family she got is us, her nephews and nieces. she is now bed ridden and due to her age, she's finding difficulties to move.
she always thinks of our welfare and she never ever ask for the return.
it's been very hard this time that we are away from her arms that carried us all when we were young.
the pains get deeper and deeper each day,every time the time passed away.

Urbanidad, where are you na ba?



by Mga Kuwento NI Tomas Barbero on Friday, January 28, 2011 at 9:53am ·

 Ka Igme, musta ang bakasyon. been a long time ah! pasalubong ko.
dyaskeng bata ka, pasalubong agad hinanap mo, dapat kinumusta mo man lang ang pamilya mo.
sus naman ka igme, araw araw na kami sa net, di na kailangan yun.
yan na ngang kinatatakutan ko, yang net net na yan. kaya nawawala na yung dating kaugalian.
ano naman ho masama sa net? kagaling at up to date tayo.
kaya? magtimpla ka muna ng kape, pagkaganireng kalamig lamig eh papasukin mo nga ako.
ay oo nga pala, forget ko ho eh.
yan ang sinasabi ko, alin na naman ho?
noong kapanahunan namin, pag nakakita ng matanda, kahit hindi kakilala, nagmamano, aakayin o kukunin ang dala at tutulungan. sa sasakyan, siyang pauupuin, at sa mga pila, pauunahin.
nagayon naman, sasagasaan ka pa. at manhid na din, ikaw ga tomas ay di ako pauupuin?
ehek, upo muna kayo, sana y na kasi ako sa bisita kong awtomatikong sasalpak na.
aba'y hindi, mali iyon. kahit pinapasok muna, hintay pa din na paupuin ka.
dami pa hong sasabihin, kaya nga ho may upuan, eh...
para upuan. kita mo ba itong yantok na ito, para saan ba ito?
pamalo ho...
sige, ikaw kaya ang paluin kong pilosopo ka..
ngek, wag naman ho. timpla ko na kayo ng kape at iinumin nyo ha.
ako baga ay niloloko mo?
hindi, kayo naman.
haay buhay, asan na ba urbanidad sa panahong ito.
ano ho iyong urbanidad?
nag aral ka ba?
oho, tingin ko hindi.
bakit ho?
ang urbanidad, utoy, ay nagsisimula sa sariling bahay.
ang alam ko hong nasimulan ko ay ang mangumpay para sa alaga naming kalabaw.
pwwrstttt! naibuga ni ka igme ang kape sa sinabi kong iyon.
pinagloloko mo ako, kagandahang asal ang sinsabi ko.
sige nga, tumingin ka kahit saan, itanong mo din kay ka Rex Torrecampo, sa panahon ngayon. kung ang urbanidad ay
nakikita pa ba nya sa gilid gilid ngayon.
sige ho, tatawagan ko si sir Rex.
teka pala ka igme,
maglalako ho ba ng isda ang urbanidad at nasa giliid gilid lang.
tange, species ng dalag yun.

Alas Sais ng hapon noon, 6 p.m. naman ngayon!



by Mga Kuwento NI Tomas Barbero on Saturday, January 29, 2011 at 10:21pm ·
















 Ka igme, alis muna ako, may saglitin lang ako sa tropa.
Tomas, aba, alas singko kuwarenta na. bakit di mo hintayin muna ang orasyon?
Ka igme, alang pari para magdasal.
bata ka, halika nga muna.
Alam mo bang noong ikaw ay maliit pa na tuwing hapon kailangan nasa bahay na kayo.
ay papaano ho, mapapalo pag inabot ng gabi sa labas, at magdarasal pa.
ganoon talaga ang nakagisnan namin, kundi man magdadasal ang buong pamilya, kahit mag antanda ka man lang ng krus.
siya, mag aantanda na ho!
hindi ganyan tomas. kahit gaano an gpagkakaiba ngayon, wag mong iwawala ang kahalagahan ng paggalang sa namulatan mo.
nagmamadali ho ako kasi.
kahit na, tatagal ba ng isang oras ang pag aantanda?
di na ako umimik dahil nagsindi na nga kandila si Ka igme sa kanyang maliit na altar.
tahimik na din akong naupo sa tabi nya..
Sa ngalan ng Ama, ng anak at Diyos Espirito Santo.....
ano nga ba kung abutin ako ng isang oras sa pagdarasal,
wala namang masama.
isang oras lang naman ang nabawas sa bente kwatro oras na nakalaan para sa sarili ko.
tama nga si Ka igme, walang masama na ilaan ang alas sais ng hapon ang pagdarasal sa pananampalataya..
Pikit pa din si Ka igme, di pa yata tapos magdasal..
mayamaya...
bakit narito ka pa???

Ligaw Tingin, Halik Hangin




by Mga Kuwento NI Tomas Barbero on Tuesday, February 15, 2011 at 7:49pm ·


ka igme, punta lang ako sa syota ko.
aba tomas, saan ba yun.
sa may shemesi po.
ok, ano ba gagawin mo doon?
syota nga ka igme, ano ba gagawin sa syota?
hala, tomas, ikaw ba ay nanliligaw doon.
syota na nga ka igme..kulit ng lahi nyo..
mangyari baga, tomas, kanina mo lang yata nakausap.
tagal na nga ho eh, miss ko na agad siya.
miss? alam mo ba sa tagalog yung salitang "miss"
ano ho, ano nga ba?
kakapag usap mo lang, miss na agad. alam mo noon, masilayan lamang ang aming iniirog, masaya na kami.
at bago nyo mapasagot, nag-iigib, nagsisibak, at nanunulungan kayo..magkano ho per ora noon?
tinamaan ka ng pagkapilosopo..ganoon nga, kailangan magulang ang liligawan.
ka igme, touch screen na ang celpon ngayon...
yan, yan pang isang yan. noon naghaharana kami sa mga dalaga.ngayon naman, sus ko napadalahan lamang ng teks na di ko alam paano nakagraduate, mali naman ng spelling
eh yun ho ang language ngayon..
language, lengwahe kamo.. iyong pag tatawa ka ay "je je je"
ba, alam nyo pala yun..
at ang panliligaw noon ay isang pagpapatunay na karapatdapat kang maging kabiyak.
kaya pala sabi ng tatay, nahirapan daw siya sa panliligaw kay nanay.
gusto na pala siya ni nanay, di nila nalaman kundi nung ikinasal na sila.
tomas, ang paghihirap ng panliligaw para sa minamahal mo ay isang sangkap lamang para patunayan mong karapatdapat ka nga sa kamay nya.
bakit po kamay lang?
halika at ipapakita ko sa iyo...
asan po?
TOK!
ARAY!
pilosopo kang tomas ka...

East of the Sun, West of the Moon


Mga Kuwento NI Tomas Barbero on Thursday, February 17, 2011 at 8:37pm ·
Chapter 1
malvar, batangas, present time

"hi there, been looking for you. how are you? hope that you'll acknowledged this message of mine." bungad ng private message kay celine nang umagang iyon.
there's another one.. my God, who are you. you're giving me goosebumps.
"we're trying to reach you, good that you're already found, matagal na kitang hinahanap"
 oh my god, sino ka?
 you're bothering me na. isip ni celine.. there's no better thing to do but.. 
sabay sa click ng mouse sa laptop nya..

BLOCKED

riyadh, saudi arabia

Ministry Road, City of Riyadh Ministry of Interior

bhoy, tara na. getting late. traffic na naman.
bro saglit lang.. kiss muna ako kay lynn.
hay naku, di pa ba kayo nagsasawa?  ok go and get her...
saglit lang kuha na din ako ng baon natin.
sige, ilabas ko na ang kotse.
si arjeeh, isa sa libolibong pilipino dito sa saudi arabia, maganda ang trabaho, isa sa close in security ng prinsipe.
madaling trabaho but sa paglakas ng terrorismo sa buong mundo. naging sentro ng pakikibaka ang riyadh.
last year, isang attempt ang nangyari sa isang prinsipe at kundi sa maagap na pagsaklolo ng bantay nya, malamang nasaktan ang marami.

malvar, present time...

mom, i'm leaving na. gotta go..naalimpungatan si celine. nakaidlip pala siya.
o sige, ingat, i'm coming out na. sigaw nya habang nagmamadaling bumangon.
my, asan ba yung 2 kids ko..louie, josh, late na kayo.
yes mom, we're ready..
ok i'll pick you up in the afternoon.
ok mom, bye..
and off they go, sigh.. anlalaki na nang anak ko, one day they will leave me na.. buhay talaga.. check ko muna fb ko and see what's in there before i go.

social networking... present time..

messages. rockybhoy..
sino ka?
ms. lacuesta, why you block the account of your ex classmate emmanuelle,
 he just want to talk and arrange some reunions with you and your batch.
God, sino ba yun...Emmanuelle Jose..yaiks, binaligtad plus an alter ego name, kakahiya.. sorry..
mr. rocky, i'm sorry, how can i unblock him, never thought that he was the sender
twiing!! response ni rocky.. go to account settings, dat dat dat dat..
ok.
EMMANUELLE, I'm sorry..