Friday, August 5, 2011

A L A S (part 8)

Kulay dugo ang bukang liwayway sa Kalayaan Island ng araw na iyon.  Bakas pa ang resulta ng nangyari kahapon, umuusok pa ang naiisang UH-1H Huey chopper doon.  Tinamaan at bumagsak ang
mga radio antennas at nadamay na din ang nag-iisang tower ng cellular doon.  May tama ang runway but
 kasalukuyang tinatakpan ng Philippine Navy SeaBees ang mga butas.  Sa gilid na pinaka headquarters,
nagkalat ang mga pasyenteng may tama. May mga nakaupo, may nasa stretcher, may nasa kama, ang iba sa makeshift na patungan.

"Sarge, may antibiotic ka pa ba at alkohol?" tanong ni Carla kay Thelma, ang nag-iisang nurse doon.

"Meron, andoon sa may mesa ko, salamat sa tulong ha? salita ni Thelma habang nagto-torniquet sa  paa ni Captain Mission.

"Nag iisa ka, kagabi ka pa walang tigil, kaya mo pa ba?" may pag aalalang tanong ni Carla.

"Tungkulin ko ito at ito ay aking gagawin sa abot ng aking makakaya.! sagot ni Thelma.
" Wag ka mag alala, mamaya makakaradyo na tayo ng tulong."

"Sana nga, wala na halos tayong stock." may lungkot sa tinig ni Thelma.

"Si Major Lindo, asan na?, malubha tama noon." pagtatanong ni Carla.

"Naku, di nagpapigil, nasa bunker na at doon muna siya." sabay turo ni Thelma sa lugar.
"Kawawa naman yung iba nating kababayan, nadamay pa."
"Oo nga."

Nagpatuloy ang dalawa sa panggamot ng mayamaya may sumigaw sa may dulo ng runway.

"Saklolo, tulungan nyo kami..."

"Sino yun? tanong ni Captain Mission.
Nagtakbuhan ang mga sundalo sa taong sumisigaw, 4 na lalaki at may kasamang bata at mga babae.

"Tulungan nyo kami, Mahabaging Allah! sabi ng pinakamatanda sabay turo sa sugatang mga kasamahan.

"Ano pong  nangyari?" tanong ni Lt. Rolly Silva.
"Naglalayag kami sa dagat amang ng paputukan kami ng eroplano." paglalahad ng matanda.

"Kelan po nangyari?"

"Kahapon, nasaksihan din namin ang pagbagsak ng isang kasamahan nila."
"Baka yun din po umatake sa amin, nakikita nyo po ba?"

"Amang, agaw buhay ang aking anak, tulungan mo akong iligtas siya."

"Tungkulin po namin na iligtas ang lahat ng nangangailangan."

"Mga kasama, dalhin natin sila sa dispensary natin.

"Sarge, mahingang mahina na ang pulso nitong isa, unahin mo na muna ito, kami na bahala sa iba." sabi ni Tenyente Silva.

"Sige, magpapalit lang ako ng  guwantes." at tumayo si Thelma.


"Dito na lang nyo ilagay ang pasyente," hinawi ni Carla ang mesa sa mga nakakalat doon.

Pagharap ni Thelma, nabitiwan nya ang hawak, napaatras siya.

"Bakit," tanong ni Carla sa namumutlang si Thelma.

Itinuro ni Thelma ang tattoo sa braso ng lalaki...

Isang Manta Ray na may kris na magka ekis.

Iisa lang ang taong may tattoo ng ganoon,

"S-ssi Arthur Basman!" sabay turo sa lalaki.

No comments:

Post a Comment