Wednesday, July 27, 2011

Let's Volt In! Reunion 5

Anim kaming magkakaibigan, ako, si Hilda, si Ethel, Si Mhai, Si Eva at si Winn. Puro transferee ang iba at ako
lamang ang dito nagsimula noong first year pa lang.

"Ano maganda tawag sa grupo natin?" tanong ni Ethel kay Mhai,
"Oo nga!" sabat ni Hilda,
"kayo ano sa tingin nyo? ang balik tanong ni Mhai.
"Ikaw Celine, ano sa tingin mo?
" Wala ako maisip!" ang sagot ko sa kanila.

Hanggang sa makababa kami ng hagdan ay wala kaming mapagisipang pangalan ng grupo, ng bigla, sumulpot sina Rocky at Corics mula sa likuran.

"OOOOpppps, nagsamasama na naman Corics ang lima.! sabi ni Rocky
"Naku, ingat tayo, siguradong mag vo-volt in na yan.! sigaw ni Corics
Bigla ba namang lumundag si Corics sa harapan namin at nagtaas ng kamay sabay sigaw ng "LEEETSS VVVVOOOLLTT INNNN!!!!!
kasabay noon ang isang malakas na aray!

"Tok!"
"REKU"
"Hoy Mr. Cabrera, kung gusto mong sumigaw, doon ka sa bundok ng susong dalaga at walang magbabawal sa iyo doon.  Kita mong nagkaklase pa ako dito, nag sisigaw ka jan sa corridor.! ani Mrs. Laluces.  Ang home adviser namin noon..

"Sorry po, di na po Mam!" sagot ni Corics
"At kayong mga babae, anong iginagalagala na ninyo jan, wala pang time.? sabay may pandidilat ni Mrs. Laluces.
"Ma'm, bibili po ng paper sa canteen." palusot naming sagot.

"And you Mr. Santillan, saan ka pupunta?"
" Mam, sa gym po, needed po ako ni Major Magpantay."
"Oh okay, go."

Tanga pa kaming nakatingin kay Rocky, bakit ba ang lakas ng karisma ng lalaking ito, ultimong teacher, maamo sa kanya.
Sabagay, kabubukas pa lang ng klase, lahat ay medyo aloof pa sa isa't isa.

"O kayo, bakit di pa kayo nakilos? sabi ni Mrs. Laluces.
"Kikilos na po!" at takbuhan kami papunta sa canteen.

Huwebes noon, ano kaya meron kinabukasan?


Monday, July 25, 2011

Bagong Mundo, Ang Aking Mundo part 2

Anong oras na ba? Bakit ang init-init na agad? Nasaan na ba ako?

Bumangon ako at pumunta sa banyo, tutal maaga na din, tulog pa mga kasama ko, tumapat ako sa dutsa.

Binuksan ko ang tubig ng dutsa at, whew!, kahit cold ang label ng valve, mainit pa din ang lumalabas.

Itinuloy ko na at habang tumutulo ang tubig, nagbalik sa alaala ko ang nakaraan.

"Hindi ka magiging valedictorian."  ang sabi ng elemantary teacher ko noon.

"Kahit bilhin nyo ang buong school", ang padagdag nyang sinabi.

Sa murang isipan ko noon, tumatak ang salitang iyon.

"Bakit po?" ang tanong ko sa guro kong iyon.

" Kasi ikaw ay isang immoral!" ang sigaw nya sa akin.

Naging palaisipan sa akin ang sinabi nyang iyon.  Pag uwi ko, gusto ko tanungin ang magulang ko but

pagdating ko, nag-aaway ang nanay ko at ang tiyahin ko.  Hindi ko mawari but yung naririnig ko,

tungkol sa pagkatao namin, ako, kaming magkakapatid.

At sa narinig ko, daig ko pa ng binuhusan ng nagyeyelong tubig sa aking natuklasan.

Walang tumulong luha ng ako ay tumingin sa nakakatandang kapatid ng ina ko.  Malaki ang galit at ako

ang napagbalingan,  nahagip ang uyo sa may lutuan at ipinalo sa akin iyon hanggang sa madurog.  Napa

iyak ako sa sakit at bigla nya akong binitawan sabay sabing, " Ang mga dugong asong tulad nyo ay wa-

lang puwang sa mundong ito."  Sabay tulak sa akin at umalis na.

Napaupo ako sa sakit at sa isang pagkatuklas na nanatiling walang sagot kahit nang ako ay lumaki na.

Ano ang kasalanan ko sa mga pangyayayari, bakit ako idinamay?


Sunday, July 24, 2011

Bagong Mundo, Ang Aking Mundo

"Archangel 201, Ghostrider inbound"
"I repeat, kzzzzzzt. Archangel 201, Ghostrider inbound, Do you copy Archangel?"

Hininaan ko ang volume ng two way radio ko, malakas na malakas ang pintig ng puso ko.
Hindi pa rin ako kumikilos sa pagkakaupo ko, mahigpit pa rin ang hawak ko sa M-4 CQB ko.  Tsk, isang magazine na lang natitira sa akin. Palapit ng ang mga sundalong Iraqi.

"Ghostrider this is Archangel, i repeat this is Archangel." sagot ko sa tawag sa radio.
"Archangel, we have FAC and two helos orbiting your area, report your situation."

"Ghostrider, we're pinned down.  we need air support. just strafe 20 meters northeast of our area, by the water tower.  kzzzzzzt! There's ahhh, a sniper in there, we can't move. kzzzt! regulars on foot nearby."
"Copy that Archangel, we gonna toast them"

Isang malakas na pagsabog ang narinig matapos ibagsak ng isang A-10 Thunderbolt ang kanyang LGB.

Pagkatapos noon, nagsimula na uli ang putukan, nakisabay na rin ako... patay na kung patay.  Ang alam ko, kailangan kong umuwi na sa pamilya ko....


Riyadh Air Base...1995
Pare, dito na tayo.  Nagulat ako sa pagyugyug ng kasama ko.  Dito na pala kami sa aming destino.

Bumukas ang ramp door ng C-141B Starlifter, sumalubong sa amin ang init, whew, parang galing sa oven.

"Ok, Ok, support staff on that Humvee for transfer, hold on to your passport, if any arab nationals come to you, don't entertain them, i repeat, every move will be with permission.  Don't loiter around. Chow will be served immediately and briefing at 600 hrs. get enough rest, we got a full day tomorrow, get it?"
"Yes sir!"
"Move on!"


Wednesday, July 20, 2011

Isa, Dalawa, Tatlo. Apat (Reunion Part 4)

Breaktime!
"Haaaay at last, simula na nang concert!" Grupo na kaming magkakaibigan babae at habang kumakain, pasalit-salit naman sa pagkanta.

"Ate Celine, pahiram naman, meron ka na pala ng kopya." Si Carol, ibang section but kaibigan ng lahat.
"Mamaya na Carol, at isasabit ko lang sa bintana itong si Celine.", sabad ni Rocky habang papalapit sa amin.

"Hep, tapos na.! harang naman ni Thelma
"Gusto mo, sa akin ka dadaan? si Hilda, kanang kamay ni Celine.
"Eh kung yakyakin kita jan Hilda, dadaanan pala ha? sagot ni Rocky.
"Di na uy, Celine, kailangan ka daw ni Rocky", sabay punta sa likod ni Celine si Hilda.
"Bakit, anong kailangan? tanong ko kay Rocky.

"Celine, masakit ginawa mo sa akin ha?"
"Ayaw mo ibigay eh! paaskad kong sagot.
"Teka, nanghihiram ka lang, di ka ba makahintay? mahinang sagot ni Rocky.
"At bakit, sa iyo ba yun?
"Oo!"
Nge! Patay. Inulit ko ang tanong ko.

"Sa iyo ba yon?
"Malamang, kita mo pati sina Eric, waiting din, ask mo si Rico, binili pa namin sa palengke yun."
"Naku, I'm sorry."
"Sorry, sige kung di labag sa loob mo yan, patatawarin kita, sa isang kundisyon."
Kinakabahan na ako sa susunod nyang sasabihin, baka yung "halik" ang kapalit, ewww, virgin pa labi ko mokong.

"Ilan ba tayo Corics? apat? ok Celine, apat na special lomi sa kubo mamayang lunch.  OK?
Langya, special pa, ubos allowance ko, di bale hiram muna ako kay Winnie mamaya, balik ko na lang bukas.

"O sige, pagkamahal nang kapalit ng songhits at sampal ah, sana sinuntok na lang kita."
"Celine, Celine, bawat gawin mo sa akin na sakit, may kapalit iyon na kailangang gawin mo."
"Eh bakit, pag sinuntok kita ano kapalit noon?"

Humarap sa akin at nagdrawing ng puso sa tapat ng dibdib sa pamamagitan ng daliri, anyong kinuha ang puso at sabay hinipan papunta sa akin...

Di ako nakailag kahit sa drama lang, tulala akong nakatingin sa kanya.... ang bilis ng pintig ng puso ko.





3 (reunion ikatatlo)

"PAKOPYA NAMAN NG KANTA!"
Nangingibabaw ang boses ko ng umagang iyon.  Unahan kasi kami na makasaulo ng pinakapopular na kanta noon nang sikat na sikat na si Debbie Gibson.  Well, I don't care if pa start na ang klase, hinablot kong bigla ang songhits kay Rocky.  Dahil mahigpit ang pagkakahawak nya, napunit at nahati sa dalawa.

"Ano ba?" paaskad na sigaw ni Rocky
"Sabing pakopya muna eh!"
"Di ka ba makahintay, kita mong may binabasa lang ako?"
"Pakopya nga muna"
"Ewan!" "Hirap mo kausap"

Inihagis ni Rocky sa akin ang songhits, pagkahawak ko, isinampal ko sa mukha nya.

"Plak!"
"Aray!"

Tigil ang buong klase, sa aming 2 nakatingin lahat.
Kita ko ang pamumula ng pisngi ni Rocky, nasaktan talaga.
Nanliit ang kanyang mata at tumayo sa kinauupuan.

Unti unti, lumapit sa akin at ibinulong,
"Sa susunod na sampalin mo ako, hahalikan kita."
"Bastos ka!" Sabay sipa ko sa kanya.
"HA! HA! HA!" ang nakakalokong tawa nya habang lumabas ng klase.


"ROCKY!"
"Yes Mam?"
"Saan ka pupunta?" "It's already start of our class."
"Sa Faculty Room po, sunduin ko kayo sana Mam.!"
"Oh, that's nice of you naman, I'm touched."
"No problem Mam, anytime." sagot ng kumag na si Rocky sabay dila sa akin.

MANIAC! Akala mo kung sinong macho at gwapito! TSEEEE!!!

D 0 S (Reunion Part 2)

Mahilo hilo na ako sa dami at init ng tao, asan na kaya yung mga kaklase ko. Di ko tuloy makilala na sino ba sila.  Lahat nagsipagbago na.  ako na lang yata hindi sa tingin ko, maya maya lang.
"BRUUUUUHHHHAAAA"
Aray ko, kanina manang, ngayon bruha na.
Lumapit sa akin ang pamilyar na mukha, teka, parang nadapa yata sa isang sakong arina bago napunta rito.
"Oyyyy, nakatulala ka jan, forget mo na ako, ako si Tere"
Yeah sa isip ko, more likely ikaw nga. DaLa mo pa din ang ngiti na hanggang gilagid, ang iyong natural all out smile.
"Teresa, How are you?" bati ko sabay beso-beso.  I smelled her soap, Dove na green at ang shampoo, class, Garnier, humalimuyak ang kanyang perfume, ahhh, never mind.  Di naman ako promo girl, bakit ko ba inadentified ang mga yun.
"O, ikaw lang, asan na Mr. mo at mga anak mo?" tanong nya habang papunta kami sa mga mesa.  Umiikot pa din mga mata ko, still looking for that particular face.
"Ah, ako ba, wala na Mr. ko, at mga anak ko nasa schools nila."
"Ako naman, nakatatlo, eto ang kucute, kasama ko nga pati husband ko."
"Talaga?' "Eh saan ka ba based now?"
"Dito lang ako sa Lipa, bale nagwowork din ako sa IKP Incorporated."
"I see, habang patango tango ako."
"Dito na tayo."
"Ok!"
"Mare!" Si Mai, di pa rin nagbabago, chubby pa din, pero larawan ng isang successfull na buhay.
"Musta na, long time."
"Oo nga eh"
"Kakatuwa ano, late na tayo nagreunion."
" Oo nga."
"Sige Mare, enjoy the night."
"Ikaw din."
"Mare, may hinahanap ka ba.?
"Ha, ah, eh wala. tinitingnan ko lang mga ka batch natin.  Ibang-iba na sila ano?"
"Oo nga mare."
Magsasalita pa sana ako ng pumailanlang ang kantang iyon,
Para akong natuka ng ahas....

Tuesday, July 19, 2011

Wala Ka Na

Just woke up and goes to my usual routine, bigla naalala kita.  i don't know why.  Last time na nagkita tayo ay sa sementeryo.  Very weird nga, very short lang iyon but meaningful, itinuloy mo pala ang pagiging pulis, nasa PNPA ka na.
After that, umalis na din ako ng bansa upang ituloy ang buhay na nasimulan na.  At ikaw, nawalan na ako ng balita.  Maraming pagsubok na ding nadaanan, at tulad ng isang sundalo, tayo pa rin at laban, ito nga lang ng huli, medyo wala ng reinforcement at masusukol na ako.  Naalala kita, it's either DIE FIGHTING OR DIE IN SHAME.
Nabuhayan ako ng loob.  Nakuha ko pang mabuhay uli ang dating grupo. Hanggang sa makausap ko ang pamilya mo.
WALA KA NA.
Wala na ng taong unang nagtiwala sa kakayahan ko upang mamuno sa aming batch.  Magpakita ng leadership, at maging isang nararapat na pinuno.
Hinulma mo ako sampu ng aking ka opisyal  sa paghawak, pakikibaka at pagpapatakbo ng isang samahan.
Maraming pwedeng sabihin tungkol sa iyo but iyon ay mananatiling nasa aming puso at isip.
Wala ka na but your spirit lives on us.
We are your offspring.
We will continue your legacy and will live on!
God Bless 'mate,
We salute you....

Bente Uno, Batch Reunion o Heart Reunion?

"Hay, mama, pakibilisan ho naman." sabay buntong hininga ko.
Ano ba namang tricycle driver ito, ginawang `Tour de France ang pagpunta sa alma mater ko.
Kay lapit lapit ng pupuntahan, ginawang tourist destination ang route papunta sa school.
Tsk, ayoko sana umattend kasi may iniiwasan akong tao, but kakainip naman sa bahay, walang magawa. Wala na din mga anak ko at busy sa kanilang extra curricular activities.
"Mama, bababa na lang ho ako." 
"Bawal po dito, manang."
Aba, loko ito ah, manang eh kaganda ganda ko pa.  Mukha na ba akong manang?  Di hamak naman na maganda at may asim pa naman ako.  Kundi nga lang pumanaw Mr. ko, ako na siguro ang papalit sa puwesto ni buddha dahil sa dami ng anak o sa taba.  Nung naturuan ako ng isa namin na kaeskwela sa pagdi diet at naging effective, naging sexy ako. Inatake naman si Mr. nung isuot ko yung bagong bili nyang nighties, ehek, napunta tayo sensor ah.
Saan naman kaya yung babaan na yun, di naman kaya mag bus ako nito?
Asenso na pala ang Lipa, samantalang dati, walang Jollibee, Mcdo at kung ano ano pa.
Di tulad dati, magpapalamig, sundot saging at camote, sunog na dahon saging naaamoy mo.
Time has change, really.
"Excuse"
Aray!
Natapakan ang bagong manicure kong paa, aray, aray naman, bastos na yun, dire-dretso na lang.  Daan muna ako dito sa Cathedral, ayusin ko muna itong paa ko.
Naaalala ko dito sa cathedral, nung pumapasok ako. Madalas tambayan ito ng mga estudyante, ranging from religious to kopyahan ng assignment, up to sa magsing irog na nagsusumpaan.  
He he he, isa na din ako doon.
Kumusta na kaya ang mokong na yun?
Sino kaya napangasawa?
Ilan na kaya anak?
Andiyan kaya siya?
Ano na kayang waistline nya, Este, ano ba yan, napunta sa waistline?
Ang tao talaga, iba iba, di mo talaga makikilala kapag walang bonding na nangyari.
Dito sa Patio, lalo pag may exam, makikita mo mga estudyante, dasal, alay, dito ko rin nakita na kahit siga pala, nagdadasal din.


Marami na palang tao, di ko na marecognize kung sino sino... 





Pagbabalik

Matagal ding nasarado ang barberya,  nalaman ko na lang na si Ka Igme ay nagkasakit ng malubha.  Sa kasalukuyan, isa isa ring nawala ang tambay ng barberya. Naiwan ako na ang alaala na lang ni Ka Igme at ang mga kuwento nya ang natitira.
Ang buhay, patuloy sa pag ikot. Minsan nasa ibabaw, minsan naman, di mo na alam paano ka pa makakaahon sa lalim ng kinasadlakan.
Sa likod ng bawat kuwento ay ang katotohanang , Life must go on, inspite of rain, snow, storm,   death or failures.

patuloy ang ikot ng buhay  sa gulong ng palad.

"Kung minsan ang takbo ng buhay mo, pagdurusa nito'y walang hanngan,,"
 HEEE! TsEEEEE!
bakit may background music ito?