Thursday, September 30, 2010

Paningit....

Bakit ganun?

nung wala akong sakit, lagi nang di masarap yung ulam, kakasya na yung sinaing na tulingan at pinais na ayungin.  minsan naman, nilagang sayote na may sahog na luya lamang.  o kaya, inihaw na sapsap. akala ko nga wala ng katapusan yun, di pala, sumama pa sa listahan yung papayang ginisa na may sardinas, and to worse, tahureng dinurog at ginisa sa kamatis... eto yung pagkain ng mahihirap noon, kakahiya nga minsan na matagpuan sa mesa mo yung natirang ulam.
nung wala na talaga kami, sinuyod na namin ang bakuran namin para sa leafy vegetables, ang term nga namin noon, nangadiwa, or galing sa KADIWA, remember Imelda Marcos Low Price store.  anjan yung putat ng mangga or mangga na tatadtarin sa kamatis at sibuyas, kasama yung talbos lalagyan ng asin at pwesto na, may ulam na. pag walang putat ng mangga, yung talinum, pwede na sa salad yun.  kapag may bagoong, talbos ng ampalaya ng isinapaw or kahit fresh, basta walang freeng UOD, okey na.
kapag wala na talaga, pinisang kamyas na may tubig, bawang at asin. iyan ang kalimitang ulam noon ng mga walang wala. yung isang pirasong tulingan nga, kasya sa buong pamilya.
yung mga pinsan ko, medyo adventurous, pupunta lang sa silangan o sa kanluran (sa mga bukid)  wala pang Calabarzon noon at Subdivisions na sumira sa palayan, niyugan at ilog na pasyalan namin noon. pag uwi nila, may manok, pugo or anumang pwedeng maiulam like kabute or fresh na bunga na napitas sa nadaanang taniman.
noon naman mababait ang mga tao lalo't kilala ka. minsan, labanos, kamote, kamatis,sitaw, kadyos, tapilan o kahit anong sarisaring pwedeng ilagay sa takuyan o sakong dala.
eHHHH, yun  na nga, bakit pag maysakit ka, ang ulam, ang sasarap?
nung masakit ang ngipin ko, pritong hita ng manok.
paga ang lalamunan ko, bulalo.
ano ba yan, nung minsan na may ubo at sipon ako, saka naman may ice cream, flavor of the month pa. anak ng tinapakang buhay ito oo, tatakamin ka lang.
at nung malakas ka na, taob na yung gallon ng ice cream.
kakainis, kakatawa.
tulad ngayon, maysakit ako.
malayo sa pamilya ko, walang nag aasikaso, anong oras na ba nagkalaman ang tiyan ko?
noon, every three hours, anjan si nanay o si mrs. laging aro ang gamot ng gumaling kaagad.
ngayon nag-iisa ako....
kaya kayang gamutin ang pangungulila ko at ang alaala ang sakit ko?
tinatakam lang ako......

Tuesday, September 28, 2010

Sorry!

saglit lamang...

"Mag-asawa, Toyo?"

ACCCCHHHOOOO!!!!
huh, yanig ang buong kwarto ko pagkagising pa lang.  runny nose, slight headache at nangangating lalamunan.  Nay ku po... Pasok na ang Ber months, uso na naman ang trankaso... gotta do something, ayokong umabsent sa barberya.

halungkat! halungkat! halungkat!... asan na ba yun...?
ah eto, isang paracetamol, dapat daw mag-asawa. paano na ba ito, bachelor ang nakuha ko... paano ko pag-aasawahin itong gamot ng 4:30 ng umaga. problema ito, saan ko hahanapan nang asawa ito. e kung ayaw mag asawa nitong paracetamol, anong magagawa ko, or engaged na siya sa iba, hmmm ano ba itong naiisip ko, eh sino ba kasi nagterm sa 2 gamot na mag asawa, pwede naman magka-team, magkapatid kaya or magpinsan. are we right on giving terms sa mga bagay.

tulad halimbawa ng toyo, paano ka uutang kay Aling Titay Hiblood ng toyo sa umaga lalo't wala pang benta, sige nga.
 subukan mo ng di nasigawan ka... biro mo, magtatanong ka na kung may toyo ka ba Aling Titay, tapos uutangan mo? ano ba yan, kahit baligtarin mo, yun pa din bagsak mo.

asan bang cellphone ko, matawagan na lang si ka IGme, dut dit dat dut dit dat dit dat dit... trrnnng! aba, ok sa ring back si ka IGme, Hawaii Five O... tanananantantan, tananannan.. herrro, sagot sa kabilang linya.

ka Igme sorry sa abala, masama ang pakiramdam ko, parang tatrangkasuhin ako, wala naman ditong mag-asawang gamot..

Tomas, dyaske kang bata ka, alas por pa lang ng umaga, at sinong maysabi sa iyong mag asawang gamot ang iinumin mo,, prut jus, tubig ang laklakin mo, viral infection yan, sabi ko nga ba, takaw na takaw sa ice cream kanina. at wala ng mag asawang gamot ngayon, annulled na, wala ka bang alam?

kaya nga tumawag ako sa inyo..naalala ko, magluluto nga pala ako nang adobong manok now, wala nga pala akong toyo...

eh ka IGme, may toyo ba kayo...?

buset, agang-aga mambubulahaw ka tapos ako'y tatanungin mo laang kung ako'y may TOYO.!  ahhhhhHH.! tut twet tttttttttttttttweeeeet. tuoooot! toooot!

pinatayan ako ng linya, bakit kaya?

Friday, September 24, 2010

Pati Ba Naman Hotdog?

Tomas, ke aga aga diario agad ang hawak mo, linisin mo muna itong barberya.
Aba, ako pang inutusan eh akong may-ari. "saglit lang ka Igme.

ano ba yang pinagkakaubusan mo nang oras... Mukang mainit yata ang ulo ni ka iGme ah.

ire hong si Pnoy ay kumain ng hotdog sa New York. yung sa kalsada bang nagtitinda.
napanood ko na yan kagabi.... alam mo isa lang masasabi ko diyan.
ang ating dila ay ang ating panlasa, may 8 muscles na nahahati sa 2 grupo na ang una ay superior longlitudal fibers or shorten the tounge,inferior longlitudal fibers na pareho ang functions, vertical fibers - to flatten at widen the tounge, tranverse fibers to narrow and elongate the tounge, ang pangalawa ay  Genioglossus, hyglossus, styloglossus at Palatoglossus.
kung iyon ang hinihingi ng panlasa ng pangulo, eh bakit ga di pabayaan, kagaling at hotdog nga hinanap, ang masama doon, kung pati betamax, adidas, kwek kwek, iud at isaw ang kinain ng pangulo.
at saka, nahahati din sa 2 yung mediang nag report nyan...
ho? bakit ho?

yung una, mahilig sa libre, pangalawa, ayaw kumain ng hotdog.
ganun pala, si ka iGme joker talaga....
alam mo ba kung gaano kahaba ang dila?
hindi po? naiiling kong sagot..
kung wala yang diyaskeng twit twit na yan. masasabi kong napakahaba ang dila nung reporter.
baka Twitter ho...
yun nga... di ga natwit pag may balitang bago..
bakit naman ho,
eh pagkain ni presidente binabantayan, ay paano na kung ano?
ano ho?
ano nga, paano..
yung pag ano nga...
ka Igme, gulo nyo, ka aga aga... gaano kahaba yung dila nga?

mula sa oropharynx ay 10 cm o 4 inches...
ahhh ok... at lumayo na ako kay ka Igme... Medical terms na binabanggit eh, ka aga pa.
alam kong iniisip mo, di papogi points yun, He may be humble but not to be humbled upon. wala sa estado nya ngayon ang dapat mag ganun. he is representing the Philippines. kahit papaano, a little discreet naman. kasi alam mo na at lalo't ikaw nasa centro ng spotlight kahit kulangot mo, papansinin...
oo nga naman, baka sa paghahabol nyang ipakitang ibang klaseng pangulo siya, matulad siya sa hotdog.
sa street na lang matatagpuan...

Saturday, September 18, 2010

Pinoy Nga Ba?


Naku!
late na ako... nauna na si ka Igme sa barberya, may ilang tao na ding
nakaupo sa loob. tapos na siguro yung diskusyon, pandesal na ang
topic... sayang, di ko na nalaman yung pinoy na unang
nagcircumnavigate.. kayo, gusto pa ba nyong malaman?  e, di lalo na ako.
di ko maalalang nabanggit ni Mrs. Delos Reyes yang topic na yan. Ang alam ko, si Juan Sebastian Elcano at 17 pang kasama lamang at sawing puso naman si Magellan. Paano ko kaya masisimulan ungkatin,  bising bisi si ka IgMe sa ginugupitang binatilyo.
ahh, paano ba. nakakaintriga, aba'y ang kuwento ay singtanda na ni Lapulapung di naman natin nasilayan, paanong naging pinoy.  Lenient na ba noon ang Foreign Affairs sa naturalization ng mga alien... teka, may DFA na ba noon?
kantahin ko nga ang kanta ni yoyoy villame.."on April 27, 1521. hmmm hmmmm hmmm.  anak ng pateng, nakalimutan ko lyrics.
Napatingin sa akin si ka IGme, parang may naalala.
oo nga pala, yung kagabi..
ano ho yun, patay malisya kong tanong.
yung unang pinoy na nagcircumsise sa mundo..
circumnavigate ho..
yun din yun.
kilala siya ng lahat.
ho? parang di ako makapaniwala.
sa mga history books, siya ang sidekick ni Magallanes,
Magallanes?
oo, si Magellan kung talagang tawagin.
siya si Enrique, Enrique of Mallaca kung tawagin.
ayon sa historian na si Quirino, si Enrique ay mula sa Carcar, Cebu. isang mangingisda na dinukot ng mga pirata at ibinenta sa Mallaca.
doon siya naka-EB ni Magellan at dinala siya sa Europa para iharap sa Hari ng Espanya.
Ginamit niya si Enrique bilang patunay na may Spice Islands at magbuo ng isang ekspedisyon.
at ayun, nakarating si Enrique muli sa Pilipinas, doon pa lamang, credited na nacircumsise..
Circumnavigate ho!
circumnavigate nya ang mundo, una pa kay Elcano at sa natitirang tauhan ni Magellan matapos silang pagtripan ni Humabon sa kanilang huling party.
e komo alipin si Enrique, ang narinig na lang niya kina Duarte Barbossa at Juan Serrano kundi ito..
"you are nothing but a second grade, trying hard copycat."
Nyee, napasama si ate Shawie sa kwento..
yun pala ang story...
teka nga pala Tomas,
ano po iyon, lingon ko kay ka IGme..
yung Cross of Magellan, di kay Magellan yun.
HOoooooo? sabay sabay naming wika....

Hanggang May Napipiga

dear inang,
natanggap ko po ang sulat ninyo at ako ma'y nalulungkot din sa nangyari. bagama't ikinalulungkot kong sabihin, di ko na po kayo mapapagbigyan. ang mga sumusunod po ang kadahilanan at sana'y ako'y inyong patawarin.
1. lahat ng hiniling ninyo, pinagbigyan ko kayo, ultimong kumpare ng tatay na huminge ng alagaing kambing na iniregalo nyo lang. akala ko ko pagdating ko, may sariwang gatas nang kambing akong maiinom at may kalderetang kambing na handa sa pag-uwi ko. naaalala nyo ba, pinilit ninyo akong iuwi ang isang kahong vienna sausage kasi naipangako ninyo sa binyagan ng pamangkin ko.  pag uwi ko, anong naratnan ko,ubos na ang handa, wala akong natikman at ang gatas na inihalo nyo sa kape ko ay gata ng niyog.
2.sumulat uli kayo na binagyo kayo at nasira ang bubong ng bahay, naiyak ako sa awa ng sabihin nyong nagsisikan kayo sa kural ng baka dahil para hindi mabasa. sa kabila noon, halos naglumuhod ako sa amo kong makuha na ang sweldo ko para sa susunod na buwan. maipadala lamang at para di na kayo sa kural nakatira, pero ang totoo pala, umangat lang ng konti ang bubong  at isang pukpok lang ay ok na. ang pera, saan nyo dinala? ibinili nyo ng karaoke, nauna pa ngang bilhin nyo ang karaoke kesa sa pagaalam ko kung natanggap na ninyo ang perang padala ko.  ang saya saya nyo nga nung tumawag ako, samantalang ako, kumakalam na yung sikmura ko kasi pati food allowance ko, ipinadala ko sa inyo.
3. si bunso, may field trip, di makakagraduate kung di kasama. kailangang kailangan daw, pati ba damit at bagong sapatos ay requirement din sabi ng titser.. akong si kapatid, punta dito, tawag kay ganon, nangutang kahit may tubo, maidaos lamang ang pangangailangan niya, nung magtanong ako, bunso saan ka nagfield trip, sagot nya. sa VICTORIA, saang Victoria, may pagmamalaki pang sinabi, Victoria Court.
4.eto na uli kayo, nakabuntis si kuya, madedemanda kayo, anong gagawin ko papadalahan kayo ng pera, inang, sana minsan isipin naman ninyo ako. 20 yrs. old akong nang nag abroad, 23 yrs nako dito. si Kuya ba ay walang buto para managot sa ginawa nya.  ako pa rin ba ang aako ng kasalanan nya?
Pasensiya na inay, sana man lang tinanong mo kelan ang laya ko, nakalimutan mo na yata, nakakulong ako dito sa ibang bansa, kasi yung tricycle na hiningi mo pambili, di ko nabayaran at lumaki na yung utang, ipinakulong na ako kasi di ako makabayad.  oo nga pala inang?
ASAN YUNG TRICYCLE NA?

Crab Mentality

Ayos, may customer na uli ako, 2 na ngayon, mukang sikutib, naka pamburol eh...Good mOrning Po sir, Gupit?
ay! akala ko saloon,
  Nyee, Tita pala itong customer ko.
ay di po, barber shop lang po ito..
di bale na, o sige, Girl ako na muna...mamang barber, trim lang po? kaya nyo po ba?
Grrrr! minaliit pa ako. trimman ko kaya yang nguso mo , sa isip isip ko.
ay ok lang po, kayang kaya...
umupo na ang customer ko at sinimulan ko ng gupitan ng magkwento.
Alam mo girl, bad trip ako kahapon.
o why naman girl?
kakainis kasi yung visor natin. para bang wala na tayong rights to be promoted..
aba, aba, aba, promoted? rights, magandang simula ito.. pinagpatuloy ko pa din yung paggugupit ko.
15 yrs nako bukas, one year ng nakaannounce na malilipat ako ng departamento. pero hinaharang pala nung visor ko. ang dahilan, pilipino daw ako at baka magkaproblema.
girl, problema saan? kung tutuusin. overqualified ka na sa positon mo.
eh yung last payroll ko nga girl, di ako nakakuha ng increment. not yet approved daw.
nung pumunta ako sa manager ko, 3 yrs na palang approved yun, yun pala hinold din nung visor ko.
eh girl, baka naman selos sa iyo.
oy girl, hindi ahhhh!
nakisabat na ako, di na ako makatiis.  eh sir sa tingin nyo, ganyan din kaya yung nangyayari sa bansa natin.
ay opo manong. kasi ang pilipinas, napakaraming opportunity para umasenso. kapag may ilalagay na tayong tao sa puwesto, nauuna sa atin ang inggit.
kaya ang nangyayari, sinisiraan natin yung kapwa natin at hinihila nating pababa.. sa tagalog na term, utak talangka. hinihila nya pababa ang kapwa nya talangka.
aba, may punto itong customer ko. magaling na bata..
sabad ko uli, sana nga, maalis na sa ating pinoy ang pagiging ganun, yung pagkakaroon ng utak talangka. nang umasenso na tayo.
oo nga manong, kakainis nga.
siguro sa iyo, kasi foreigner yang visor mo kaya ganyan ginagawa sa iyo, pakisamahan mo na lang..
sinong foreigner manong, tanong ng customer ko?  Pinoy manong, teaboy lang namin dati. nataas lang ng posisyon kakasipsip kaya naging visor.
ah ganun ba..
tiklop na lang ang bibig ko, ummm ah...

Pagpapatuloy (Media Y Medya 2)

PAK! PAK! PAK!
yari si Aquino!...
mali, tapos na yung sa tarmac, iba na ito.  hirap sa iyo, asa ka na lang sa tabloid.
nood naman ako ng tv nung kasagsagan, sagot ni igme.
yung presidente ang sinasabi ko.
ahhh! di mo nilinaw.. ser anong gupit nyo pong gusto, tanong ko sa kustomer kong mahaba ang buhok,
mejo pantayin mo lang para mawala ang fly away. baritonong boses nung sumagot.
command responsibility yang nangyari, ang kapalpakan ng tauhan, ang commander ang mananagot.
di ba ganyan din sa Manila nung World War 2.
oh, diko po alam. sagot nung kausap ni igme.
dapat nung liberation at papasok na ng maynila ang mga kano, Open City dapat ang Manila, kaso itong si Yama, ano nga, yEMA, Ano ba yun Tomas? yung term sa command responsibility?
ahh, si Yamashita ho? yung YAMASHITA STANDARD kanyo?
yun nga, kapangalan pa ng aking erikrek fan,
kung nadeclare na open city ang Manila, yung 200,000 na civiliang namatay, baka kalahati nun buhay pa.
so, ibig nyong sabihin ka Igme, si Aquino, dapat ding mabitay sa nangyari?
Hindi, ang dapat kay Aquino, matutong maglagay ng taong karapatdapat sa tungkulin.
Eh anong magagawa pa ni Aquino now, tanong ng customer ko...
kung ako lamang ang iyong tatanungin, hindi solusyon ang papalitpalit ng lider. alam mo ang kulang sa ating Gobyerno?
Continuity... ang pagpapatuloy ng sinusundan. walang matatapos kung puro ka simula sa bawat gagawin?!
Oo nga naman, tama si ka IGme, ay Siya ka Igme, maiwan na muna ikaw namin.
ay amin munang iko continue ang aming barikan.
bye!!!!

Media Y Medya

naks, ang customers ko, relic na.. flower pipol.. he he he, malaking kikitain ko dito. haba ng buhok.
Good morning ser, Gupit? nagpalinga linga muna bago tumango.
Yes! Swerte, unang customer..
sa tv na nasa shop, kasalukuyang ipinapalabas yung sa nangyaring imbestigasyon sa hostage taking. as usual, tutok si ka Igme sa screen.
tatang! di na ako matatapos nyong gupitan, nanonood na kayo ho. tumingin sa mukha ng ginugupitan si ka igme at nagsalita.
kita mo baga ireng gunting ko, dine nakasalalay sa akin ang kahihinatnan ng pilipinas kung ako ang nakaupo jan.
aba, maaga pa, maangas na agad ang topic.
sir, upo na kayo, napatingin din kay ka igme ang hippie kong customer..sabay pasak ng earphone ng mp3 sa tenga.
anyong magsisimula na akong maggupit ng binasag ni ka iGme ang katahimikan ng lahat. akala ko nga galit.
eh kundangan namang di malalaman nung nasa loob nung bus ang galaw nung nasa labas e ang media, ultimong utot nung mga pulis, binabanggit pa sa report.. tsk. tingnan mo yang eksenang yan, literal na literal, tinulungan nang media na makakilos at magwala yung mamang pulis.. tignan mo, o ayan sinabi pang handa ng sumalakay yung squad ng pulis, palapit na sa bus, nasa bandang kanan sa pangalawang bintana. anak ng pateng na buhay ito, detalyadong detalyado ang report, live na live pa.
andun nako manong, eh bakit sabi nyo sa gunting nakasalalay yung kahihinatnan ng pilipinas kung kayo ang naka upo.
yun ba utoy?
ang gunting ay simbolo ng censorship.  may mga bagay na kung minsan di dapat ipanood sa tao sa kadahilanang maselan. tulad nyan, kung di napayagang live yung pag aalburoto ng kamag anak, kahit tatlong minutong putol sa footage o sinensor yung part na yun. maraming buhay ang naligtas. kung ako ang naka upo, oo at may press freedom, oo demokratiko tayo. pero kung madudungisan ang kapakanan ng taong sinumpaan nating ipagtanggol, ang mamamayang pilipino, ano na ba yung utusan mo ang meralcong, ibaba mo nga muna yang switch na yan. o sa tv na. live telecast but delayed by 5 minutes..
siguro, yung anak ko sa hongkong,nakakatulog pa ng mahimbing ngayon.
tahimik ang lahat habang patuloy na naggugupit si ka igme...
Medyahan lang dapat, wag nating ipilit ung full extent.
tulala si hippie,
nakanganga yung ginugupitan ni ka iGme.
tama nga naman... Ibalik kaya natin si Hon. Etta Mendez sa censors?