Tuesday, April 30, 2013

Dahil Ikaw teasers

Buong eskwelahan, ako tinitingala, natatakot, umiilag.
sa  kadahilanang ako ang may hawak ng pinakamataas na posisyon sa buong 4th year class...
pero wala silang alam..
may mas mataas pa.
ang babaeng lihim kong itinatangi..
ako naman now ang tumitingala, natatakot at umiilag na magkasalubong ang mga mata namin...

"Ten-hut" ang matigas na tinig ni P1Lt. William Furio sa mga ka officers nmin.
Kasunod nun ang coomand ni P2Lt Simeon Lubi ng kanyang MP. And lastly, ang matinis na boses ni P2Lt Carol Mamauag ng kanyang Aiders.
 Takbuhan sa puwesto ang mga kadete habang kausap ko ang commandant nmin.
"Be snappy Bucu, mukang tutulog tulog opisyales mo ah."
 "Yes Sir!" Ang madaling sagot ko at saludo.
 "Carry On!" Utos ng commandant nmin.
"Permission to leave sir!" Ang muli kong sagot.
"Permission Granted!"
Tumalikod na ako pagkarinig ko noon at bumalik sa formation ng mga officers....
Friday na muli,
 AFCAT n nmn.
araw ng sigaw, martsa at kaba sa aming lahat.
Pero wala silang alam,
 ang puso ko ay nagsisigaw, nagmamartsa at kumakaba kasi andyan na naman siya..
ang babaeng lihim kong itinatangi...

Friday, April 26, 2013

Dahil Ikaw

Una..
Pasukan na naman. Kalalalabas lang nmin sa COCS, ang Cadet Officers Candidate School. Actually, wala akong hilig sa pag-oopisyal ng CAT.

 Nahatak lang ako lately ng mga bagong kaibigan. I admit, ayaw ko noon ang CAT
.Takot, iwas or wala lang sa hilig.

 Maingay sa unang araw, hanapan ng section, daldalan ng mga magkakaeskwela. ikot sa mga classroom. well, ako, simple lang ako sa isang tabi. mamaya maya, nag datingan na ang mga classmates ko, or mga ka officers ko.

 Still, to humbly to say, di ko inaasahan na ako ang magiging Corps Commander ng CAT. Ang pinakamataas na position sa aming lahat. ako sana yung goat, pero i made it top off the rank.

Pero wala dun ang isip ko.

Nakatuon ang pansin ko sa mga kaklase ko, still wondering sino ba mga kasection ko.

 Before na magpasukan kami, I was given a simple message na don't abuse the power i have.

 Either makukuha ko or di ko makukuha, natawa lang ako kasi di ko sineryoso ang pasabing iyon.
 Not until i saw her sa may unahang upuan ..
.
 Striking beauty..

 Simple. at higit sa lahat,

 Love at First Sight...

 Mula noon, I promised to myself..

 Siya na ang pakakasalan ko...

 and till now,

 23 years later,

 siya pa din ang mahal ko...

Tuesday, April 16, 2013

Mayo

Mayo 1, 198x Adios, Adios, Adios, Adios, Adios, Adios! ang malakas na boses ng mga kantura sa tuklong. Hudyat na upang magtayuan at magpalitan ng puwesto ang mga ihadang dalaga't binata habang naglalakad papunta sa altar. Nagtayuan na din ang mga kantura sa dahilang nag umpukan ang mga bata sa harapan upang makita ang nagaganap na palitan. Bigla may sumingit sa mikropono at dinig na dinig sa amplifier."Inumin mo na yaang hinyebra mo at nang tayo'y makayao na. Nagsalita ang Mamay Kadyo sa Kuya Pilo sabay turo sa hawak na basong may lamang Gin. "Ay uo ga, may kalhati pang bote" patuloy ng Kuya Pilo. Pagkatapos noon ay sinaway ng Nanay Juana at sabing "bakin ga kayong ay di kumanta at patapos na. Mamaya na yang barek na iyan" Pero ang mga babaeng kantura ay ptuloy sa pagkanta at ang mga ihada naman ay patuloy sa ritual na pagpapaltan ng puwesto. "ay lintek na mga batang ito, magsialis kayo at di makita sa huli ang alay" sigaw ng matatanda na nasa may likod ng mga kantura. "Nanay, pop pa." ang sabi ng pamangkin kong si Emelie na halos ay kasabayin din namin ang edad nun. Siya ang passes namin para makalibre ng pop cola na libre at painom sa mga kantura. "siya, at are, ng matahimik ka na. asan ang kuya boyet mo?" ang tanong ng kakang ite sa apo. "nakainom na po, iniwan nga ako" pagsusumbong ni Emelie. "Ay boyet, pagliban ha, hintayin mo na kami." utos ng kakang ite."nasaan si ineng" "andun po sa una," sagot ni Toto, sumunod kong kapatid. "siya tawagin mo at maya maya'y uuwi na tayo"pagkasabi'y nakisabay na din sa nalalabing kanta ng kantura... Adios, Aaaaaaaaa-Diossss. Tapos ang unang araw ng alay. At pagkatapos ng 31 na araw pasukan na naman. Pero ito ang pinakamakulay na buwan para sa amin noon. Ang kabataang huling nakaranas ng walang ibang libangan at dibersyon sa buhay kundi ang pakikipagkapwa sa bawat kabaranggay. Ang aming kabataan na walang internet, computer, psp, playstation, wifi, wii at mall. Kungsaan mo makikita ang diwa ng pakikisama at ang simpleng buhay. Ito ang kuwento ng aming kabataan sa buwan ng Mayo..