Monday, June 24, 2013

T. Barbero..INTERPOL


3

“HuH, nagiging mahirap ang control, ang bagal ng responde!” sabay lingon sa likod at nakita nyang may tumutulong likido na kulay pula mula sa pakpak ng MIG-31.
“Damn! Tinamaan pala ako kanina nung isang Firefox sa laban naming.” Sa isip nung piloto habang tinitingan pa ang cockpit.
“Tsk! Tsk!” pati fuel tank damay din.” Sambit nya nung makitang unti unting bumababa ang read out.
“Malayo pa ang FOB, need ko ng humingi ng saklolo.”
“This is Firefox, I’m declaring emergency, diverting to the nearest friendly airbase.” Ang wika nya sa radio.
“KzzzZZZt!” “Firefox, you are instructed to land at FOB,  we’re sending you coordinates now.”
“Control, I don’t have enough fuel to reach new FOB, I repeat, not enough fuel!”
“Firefox, Climb to angels 40, TEXACO 187 on  station.”
“Copy that control!”
At pumailanlang ang Mig-31 Firefox papaitaas, mayamaya pa, nakahinga  ng maluwag ang piloto ng makita nya ang KC-135 Stratotanker.
Inallign nya ang nguso ng Mig-31 at binuksan ang takip ng fuel tank.
“Cash ba o Credit Card?” ang naulinigan nyang tanong?
“Cash?, Credit Card?, anong????” naguguluhang tanong ni Tomas.
“Tomas, ano  ba?, nangangarap ka na naman ng gising!” wika ni Ka Igme.
“Ho? Ano nga ho uli?” ang muling tanong ni Tomas sa matanda.
“Ay sos naman, kung cash ba o credit card ginamit mong pangbayad dun sa gasolinahan kanina, kako.? Ulit uli ng matanda.
“Nagbayad ba kayo?” tanong ni Tomas.
“Ibig mong sabihin, di mo binayaran? Sagot ni Ka Igme.
“Akala ko inabutan nyo?
“Anong inabutan eh, nga-nga iyon at ikmo.!” Sagot ni Ka  Igme.
“Patay!” sambit ni Tomas sabay palo sa ulo.
“Talagang Patay!” pagsan ayon ni Ka Igme.
“Bakit ho?” ani Tomas sabay tingin sa tinitingnan ng matanda.
“Ayan na si Aling Titay, yung may ari na may gusto sa iyo..sagutin mo na kasi!”
“Ang itay naman, itatapon pa yung lahi kong mala-adonis.! Sagot ni Tomas.
“Nakupow, ‘di na uy, teka nga..ALA EH TITAY, nandine si Tomas at hinihintay ka nga! Sabay turo kay Tomas.
“Bayaran nyo  na lang muna Itay, out  muna ako!” sabay karipas ng takbo si Tomas.
“HeeEEEH!”  sigaw ng matanda.
Sa eksaktong lalapit si  Aling Titay.
“Magandang araw Ka Igme, ang gwapo nyo talaga.” Ang malambing na bati ni Aling Titay sa matanda.
“AYKUPO!, maling bangon yata, are na yung bayad sa karga kanina, may customer pa akong gugupitan..bbyeeeee!” ang may pakaway kaway pang paalam ni Ka Igme.
Pagsarado nya ng pinto, nandoon pala si Tomas nagtatago.
“Anong nangyari ho?”
“Misdeal Tomas, ‘wag ka nang mangulit pa.”

Napatanga si Tomas, sabay sabing, “Misdeal, Bakit? 

No comments:

Post a Comment