Monday, June 24, 2013

T. Barbero...INTERPOL

2
Sa nagyeyelong karagatan, tanging ang 2 nilalang na lang ang nakikitang gumagalaw sa palibot ng nagkalat na debris ng lumubog na cruise ship….
“Jack, hold on, mahal na mahal kita.” Ang sabi ng babae habang nakahawak kamay  sa lalaking nakalubog sa tubig.
“Ako din, mahal na mahal din kita Miling, subalit…” dina natapos sa pagsasalita yung lalaki dahil tinakpan ni Miling ang mga labi nito at buong pagmamahal na sinambit..
“Jack, alam ko, ‘wag  ka nang magsalita pa, ipunin mo ang yung lakas,” ang mala boses anghel nitong sagot.
“Pero, di mo ako naiintindihan..hind…” muling naputol na naman ang pagsasalita nito dahil inilapat ni Miling ang daliri sa nangangatal na nitong labi dahil sa lamig.
“Naiintindihan kita, ramdam ko ang pagmamahal mo Jack!”
“Hindi Miling, Hindi mo ako naiintindihan!” ang pagppprotesta ng lalaki at nagwawala na sag alit.
“Bakit ba Jack, ano bang diko naiintindihan? Ang malumanay na pagtatanong din ni Miling sa lalaki..
“Bakit ba Jack tawag mo sa akin, ako si Tomas Miling! Si Tomas ako, hindi kita maintindihan Miling!” ang pasigaw ng salita ng lalaki.
“Hindi ko din maintindihan bakit pati si Jack and Rose ay ginagaya mo sa panaginip.”
“Huh!, Jack and Rose?” sabay mulat ng mata ni Tomas..
At nabungaran nya ay ang mukha ni Ka Igme.
“NYAK!”  sambit ni Tomas.
“Ikaw Tomas ay haling na haling kay Miling, diba sinabi ko naman sa iyo. AYAW KO,  tingnan mo ako at read my lips…A-Y-A-W.”
“Itay naman!” pakamot kamot ng ulo na sabi ni Tomas.
 “WATDIDUSEY?” ang tanong ng matandang nakarko na ang kilay at nakapameywang na.
“Wala ho..” sagot ni Tomas..
“Good! Eh Tomas, ano naman yung pinag aawayan nyo ni  Miling sa panaginip nyo?” balik tanongng matanda.
“Taksil yung anak nyo!” sagot ni Tomas sabay talikod.
“Anak ko iyo, wala sa lahi naming ang taksil Tomas! Gusto mong maghalo ang balat sa lupakan?”
“Aba nagtatanong kayo, ano pinag awayan namin ni Miling yun ho, lalaki, may ibang lalaki si Miling!”
“HINDI PWEDE YAN! Malabong magtaksil si Miling.  Walang ibang lalaki yun kasi sinasabi nya sa akin ang lahat at humihingi ng opinion ko.  IKAW LAMANG DAPAT,  wala nang ibang lalaki yan!”  Ang pagdadabog ni Ka Igme at nagusumot na din ang binabasang dyario.
“Anong sabi nyo, Ka Igme!”
Nabigla yata ang matanda,
Tiningnan si Tomas mula ulo hanggang paa sabay  sabing…


“SYEEEERAP!”

No comments:

Post a Comment