Monday, June 24, 2013

T.Barbero.....INTERPOL

“Bank Left!”
Automatikong sumunod naman ang piloto sa utos ng kanyang WSO o Weapons System Operator.
Madaling pumaling ang F-15E sa direksyong iyon na akala mo ay isang nagulat sa mabilis na tugon.
“Delta Tango! Delta Tango!  We have SAM on our tail, I repeat, we have SAM on our tail!
 “Papa November! Don’t  engage!, I repeat,  Don’t ENGAGE!
“WHAT?” ang tanong ng piloto, “They are nuts!” pakli ng WSO.
“Release Chaffs and Flare!”  utos ng piloto sa WSO.
“CHAFFS, FLARES, releasing!”
“Hang On, kailangan nating makauwi ng buhay!. Sabi ng piloto..at inilagay ang throttle sa full afterburner..
“Ok SAM, either you or me…..
“PAK!”
“Areku!”
“Tulog ka na naman Tomas, aba’y tanghali na ah…!! Ang pagalit na salita ni Ka Igme sa binata.
“Eh naidlip lang naman Itay!” sagot ni Tomas sa matanda.
“Lintok na, ULITIN MONG SINABI MO?” sabay pandidilat ng mata ni Ka Igme kay  Tomas..
“Naidlip ho!” mabilis na sagot ni Tomas.
“Hindi iyon! Paaskad sagot ng matanda.
“Alin ho ba?  Ahhh yung ITAY? Aba, feel na feel nyo nang marinig na tawagin ko kayong ITAY ha? Ang pangisi-ngising sagot ni Tomas.
“SA UULITIN, IISPININ NA KITA NG GUNTING PAG SINAMBIT MO PA YANG  TAWAG MO SA AKING IYAN, AYAW KO NA MAGING MANUGANG KITA KAY MILING! INTIENDES?”  ang nagwawala ng sigaw ni Ka Igme..
“SIR YES SIR!” ang malakas na sagot ni Tomas sabay tindig ng tuwid at saludo pa sa matanda..
“Carry On!” mabilis namang sagot ng matanda habang mabilis na tumalikod nang biglang humarap uli at minulagan si Tomas.
“Ako’y talagang pinagluluko mo ha? Tatamaan ka na talaga sa akin.! Tomas, never, ever at forever, ayaw kitang maging manugang, over my dead BODEEEE!”  Ang sigaw na ng matanda na narinig sa buong block!
“Mahal ……hmmmmmmmmppppppPp! Ang dina natuloy na salita ni Tomas dahil tinakpan na ng matanda ng hawak na bimpo ang bibig ni Tomas sabay sabing…
“Das the way I like it….wala ka ng masabi!”

Habang sa kabilang kalye may nakamasid sa kanilang lalaki, matapos sindihan ang sigarilyo, humithit lang ng sandali at mabilis na pinitik ito..

"Tomas Barbero, nagtagpo na tayong muli, tulad ng ipinangako ko sa iyo, habang buhay mo akong di malilimutan, iyon ay kung bubuhayin pa kita.!

at nawalang parang bula sa dilim ang lalaki.......

No comments:

Post a Comment