Thursday, December 4, 2014

KADAMA at iba pa


Chapter 1
"Reychellin, what is Science?" ang pabiglang tanong ni Mrs.Lyn Ycal sa inaantok na bata.
"Eh mam, ano po, apat na kalamansi saka pinitpit na luya po mam." ang sagot ng nagulantang na bata.
At pumailanlang ang tawanan sa buong kwarto ng grade VI Gumamela ng oras ding iyon.
"Reychellin, ano't hindi ka na nama nag aral ng leksyon mo." ang padilat na tanong ni Mrs.Ycal.
"Eh mam, pasensiya napo, tinapos po namin ung trabaho sa linang, baka po bumagyo ay masasayang ang pananim na palay ng tatay." ang paghingi ng paumanhin ng bata habang nilalaro ang laylayan ng uniform na makailang ulit ng sinulsihan.
Matamang pinagmasadan ng maestra ang batang babae, isa ito sa pinakamahirap sa nayong iyon sa may paanan nang bundok. Ang bahay ng mga ito ay malapit na din sa kasukalan at ni kuryente ay wala.
Napabuntunghininga na lang ang maestra, sabay sabing "o sige Reychellin, maiwan ka after class."
"Naku po mam, di po pwede, magmumutha pa po ako sa talungan. Papagalitan po ako ng tatay." ang may pangamba sa mukhang sagot ng bata.
"Naku, marami ka nang nalampasan na aralin Reychellin." ang sabad ng maestra.
"Mam, mag dadala na lang ako ng is-is at sa tanghali, lilinisin ko ng mabuti ang mga mesa at upuan, papuputiin ko po ng mabuti mam." ang pagsamo ni Rechellin.
"Hmmm, papuntahin mo na lang ang mga magulang mo dito bukas ng alas diyes."
"Po?" naku, di po pedeng iwan ang palayan po ngayon, baka sugudin ng mga maya ang palayan at makain nila ang papahinog ng butil." pagtatanggol ni Reychellin sa maestra.
"Anong gagawin ko sayo Reychellin, baka di ka makagraduate nyan, halos bagsak lahat ng grado mo or pasang awa. Baka Grade VI ka uli sa isang taon.
"Mam, wag naman po, gusto ko pong makagraduate, ayaw ko pong matulad sa mga ibang babae dito na maagang nagsipag asawa at tumanda na sa pagbubukid, gusto ko pong mangibang bayan." ang may konting namumuong luha sa mata ng bata.
Napabuntunghininga ang maestra samantalang si Reychellin ay tumalikod na para lumabas ng kuwarto sapagkat noo'y recess na.
Kumalam ang sikmura nya nung makitang kumakain sa may ilalim ng punong mangga.
Tumabi siya at tumingin sa malayo, huminga ng malalim at napatungo sabay patak ng luha.
May tumapik sa kanya sa likod, at ito'y nagsalita.
"Les Ibki Reychell?" ang tila mala anghel na boses mula rito.
Naguluhan si Rechellin, Hindi niya mawari ang lenggwahe, nagtaas noo siya at nakita na may pagtataka sa mata ng babae sa nangyayari sa kanya.

"Is there any problem Reychellin? ang muling tanong nito.
Nanumbalik ang lahat kay Reychellin..dahil ang kaharap niya ay hindi na si Mrs. Lyn Ical kundi si
Madame Faifa Al Rashid, isang arabyana, ang kanyang among babae..

"Papaanong?"""' ang naguguluhan nyang tanong sa sarili....
mga kuwento ni tomas barbero/kadamaatibapa2014bucump

No comments:

Post a Comment