Saturday, December 6, 2014

SELFIE KA NG INA MO



Madaling araw pa lang ay gising na si Donna, matapos mag inat inat ay pandaling tumalon sa hinihigaan, nakalimutan nyang ang kanyang kama ay nasa pangitaas na bahagi ng double deck sa boarding house na iyon.
"LAGABAG!" ang namayani sa loob ng silid na iyon at nagulantang ang kanyang kaibigan na si Maria Cecilia.
Nag bukas ng ilaw at nakitang parang ikinapit ng glue yung kaibigan sa sahig.
"Hoy! okay ka lang ba? pag aalalang tanong ni Maria Cecilia.
"Okay lang ako", ang di tumitinag na sagot ni Donna.
Bumangon na din ang batanguenang kaibigan nya para siya ay tulungan na ibangon
"Teka, Teka, iabot mo muna cellpon ko." ang utos ng di gumagalaw na babae.
"Bakit, tatawag tayo ng doctor o ambulansiya? ang pag aalalang tanong ng kaibigan.
"Hindee, kunan mo ako ng picture at ipost ko sa Instagram mamaya." pagpapatuloy ni Donna.
"Mukha mo, bahala ka na nga sa buhay mo, inaalala ka na nga, posting pa uunahin mo, Diyan ka na nga!" ang pagdadabog na bumalik sa higaan ng kaibigan.
Samantalang si Donna, nag angat ng ulo at humarap sa camera.

ito ang entry...
just woke up from a dream of flying..I really flew...look i got bukol sa noo. tsk tsk tsk,,,

No comments:

Post a Comment