Tuesday, December 2, 2014

KADAMA at iba pa....

Kapipikit pa lang ng mata ni Chelle ng tumunog ang message alert ng cellphone nya.
"Nay, wala na po kaming bigas, ubos na yung pinamalengke nung isang araw." ang nabungaran nya ng buksan ang message.
Napabuntunghininga si Chelle, malayo pa ang sweldo, siguradong mangungutang na naman sya sa kasama nya sa bahay na Moroccan. Patay patay na naman siya sa trabaho nito. Siguradong siya na naman ang gagawa nung trabaho nito.  Pero di bale, mapapadala naman agad ang pera kasi ito pa  ang mag uutos sa driver nilang asawa nito sa paghulog.
Nagtext na lamang siya sa anak na papadala siya sa araw na ito.
Pumikit na siya at dagliang nakatulog.  Makaraan ang isang oras, nakarinig siya ng iyak ng bata.  Hay naku, katutulog lang.
Bumangon siya at nagulat siya sa pagyapak sa sahig, naguluhan siya sapagkat bago siya matulog, nilampaso pa niya ang mala perlas na porselanang sahig.
Tinilad na kawayan ang tinutungtungan nya.  Lusutan ang tingin at nakita pa  nyang naghabulan ang ang mga manok.
Bakit ganito? Ang naguguluhan nyang tanong hanggang..
"Ay ikaw na Reychellin ka ay hindi na nagtanda. Nasunog na naman ang sinaing dahil diyan sa pagsosonghits mo, Hindi pagaaral ang atupagin mo ng may maganda kang kinabukasan" ang sabi ng nakatalikod na matanda sa batang kaharap.
Magsasalita sana siya ng biglang humarap ang matandang babae.
"At ikaw, tanghali ka nang gumising. Palamunin ka na nga, tamad ka pa" sabay hagis sa kanya ng walis tingting.
Ang matandang babae ay ang kanyang ina na namayapa ng matagal.
At ang bata, siya nung walong taong gulang pa lang siya..


Napatigagal si Chelle...Patay na ba AKO?.... ang tanong sa sarili nya.

No comments:

Post a Comment