Saturday, September 18, 2010

Hanggang May Napipiga

dear inang,
natanggap ko po ang sulat ninyo at ako ma'y nalulungkot din sa nangyari. bagama't ikinalulungkot kong sabihin, di ko na po kayo mapapagbigyan. ang mga sumusunod po ang kadahilanan at sana'y ako'y inyong patawarin.
1. lahat ng hiniling ninyo, pinagbigyan ko kayo, ultimong kumpare ng tatay na huminge ng alagaing kambing na iniregalo nyo lang. akala ko ko pagdating ko, may sariwang gatas nang kambing akong maiinom at may kalderetang kambing na handa sa pag-uwi ko. naaalala nyo ba, pinilit ninyo akong iuwi ang isang kahong vienna sausage kasi naipangako ninyo sa binyagan ng pamangkin ko.  pag uwi ko, anong naratnan ko,ubos na ang handa, wala akong natikman at ang gatas na inihalo nyo sa kape ko ay gata ng niyog.
2.sumulat uli kayo na binagyo kayo at nasira ang bubong ng bahay, naiyak ako sa awa ng sabihin nyong nagsisikan kayo sa kural ng baka dahil para hindi mabasa. sa kabila noon, halos naglumuhod ako sa amo kong makuha na ang sweldo ko para sa susunod na buwan. maipadala lamang at para di na kayo sa kural nakatira, pero ang totoo pala, umangat lang ng konti ang bubong  at isang pukpok lang ay ok na. ang pera, saan nyo dinala? ibinili nyo ng karaoke, nauna pa ngang bilhin nyo ang karaoke kesa sa pagaalam ko kung natanggap na ninyo ang perang padala ko.  ang saya saya nyo nga nung tumawag ako, samantalang ako, kumakalam na yung sikmura ko kasi pati food allowance ko, ipinadala ko sa inyo.
3. si bunso, may field trip, di makakagraduate kung di kasama. kailangang kailangan daw, pati ba damit at bagong sapatos ay requirement din sabi ng titser.. akong si kapatid, punta dito, tawag kay ganon, nangutang kahit may tubo, maidaos lamang ang pangangailangan niya, nung magtanong ako, bunso saan ka nagfield trip, sagot nya. sa VICTORIA, saang Victoria, may pagmamalaki pang sinabi, Victoria Court.
4.eto na uli kayo, nakabuntis si kuya, madedemanda kayo, anong gagawin ko papadalahan kayo ng pera, inang, sana minsan isipin naman ninyo ako. 20 yrs. old akong nang nag abroad, 23 yrs nako dito. si Kuya ba ay walang buto para managot sa ginawa nya.  ako pa rin ba ang aako ng kasalanan nya?
Pasensiya na inay, sana man lang tinanong mo kelan ang laya ko, nakalimutan mo na yata, nakakulong ako dito sa ibang bansa, kasi yung tricycle na hiningi mo pambili, di ko nabayaran at lumaki na yung utang, ipinakulong na ako kasi di ako makabayad.  oo nga pala inang?
ASAN YUNG TRICYCLE NA?

No comments:

Post a Comment