Saturday, September 18, 2010

Media Y Medya

naks, ang customers ko, relic na.. flower pipol.. he he he, malaking kikitain ko dito. haba ng buhok.
Good morning ser, Gupit? nagpalinga linga muna bago tumango.
Yes! Swerte, unang customer..
sa tv na nasa shop, kasalukuyang ipinapalabas yung sa nangyaring imbestigasyon sa hostage taking. as usual, tutok si ka Igme sa screen.
tatang! di na ako matatapos nyong gupitan, nanonood na kayo ho. tumingin sa mukha ng ginugupitan si ka igme at nagsalita.
kita mo baga ireng gunting ko, dine nakasalalay sa akin ang kahihinatnan ng pilipinas kung ako ang nakaupo jan.
aba, maaga pa, maangas na agad ang topic.
sir, upo na kayo, napatingin din kay ka igme ang hippie kong customer..sabay pasak ng earphone ng mp3 sa tenga.
anyong magsisimula na akong maggupit ng binasag ni ka iGme ang katahimikan ng lahat. akala ko nga galit.
eh kundangan namang di malalaman nung nasa loob nung bus ang galaw nung nasa labas e ang media, ultimong utot nung mga pulis, binabanggit pa sa report.. tsk. tingnan mo yang eksenang yan, literal na literal, tinulungan nang media na makakilos at magwala yung mamang pulis.. tignan mo, o ayan sinabi pang handa ng sumalakay yung squad ng pulis, palapit na sa bus, nasa bandang kanan sa pangalawang bintana. anak ng pateng na buhay ito, detalyadong detalyado ang report, live na live pa.
andun nako manong, eh bakit sabi nyo sa gunting nakasalalay yung kahihinatnan ng pilipinas kung kayo ang naka upo.
yun ba utoy?
ang gunting ay simbolo ng censorship.  may mga bagay na kung minsan di dapat ipanood sa tao sa kadahilanang maselan. tulad nyan, kung di napayagang live yung pag aalburoto ng kamag anak, kahit tatlong minutong putol sa footage o sinensor yung part na yun. maraming buhay ang naligtas. kung ako ang naka upo, oo at may press freedom, oo demokratiko tayo. pero kung madudungisan ang kapakanan ng taong sinumpaan nating ipagtanggol, ang mamamayang pilipino, ano na ba yung utusan mo ang meralcong, ibaba mo nga muna yang switch na yan. o sa tv na. live telecast but delayed by 5 minutes..
siguro, yung anak ko sa hongkong,nakakatulog pa ng mahimbing ngayon.
tahimik ang lahat habang patuloy na naggugupit si ka igme...
Medyahan lang dapat, wag nating ipilit ung full extent.
tulala si hippie,
nakanganga yung ginugupitan ni ka iGme.
tama nga naman... Ibalik kaya natin si Hon. Etta Mendez sa censors?

No comments:

Post a Comment