Thursday, September 30, 2010

Paningit....

Bakit ganun?

nung wala akong sakit, lagi nang di masarap yung ulam, kakasya na yung sinaing na tulingan at pinais na ayungin.  minsan naman, nilagang sayote na may sahog na luya lamang.  o kaya, inihaw na sapsap. akala ko nga wala ng katapusan yun, di pala, sumama pa sa listahan yung papayang ginisa na may sardinas, and to worse, tahureng dinurog at ginisa sa kamatis... eto yung pagkain ng mahihirap noon, kakahiya nga minsan na matagpuan sa mesa mo yung natirang ulam.
nung wala na talaga kami, sinuyod na namin ang bakuran namin para sa leafy vegetables, ang term nga namin noon, nangadiwa, or galing sa KADIWA, remember Imelda Marcos Low Price store.  anjan yung putat ng mangga or mangga na tatadtarin sa kamatis at sibuyas, kasama yung talbos lalagyan ng asin at pwesto na, may ulam na. pag walang putat ng mangga, yung talinum, pwede na sa salad yun.  kapag may bagoong, talbos ng ampalaya ng isinapaw or kahit fresh, basta walang freeng UOD, okey na.
kapag wala na talaga, pinisang kamyas na may tubig, bawang at asin. iyan ang kalimitang ulam noon ng mga walang wala. yung isang pirasong tulingan nga, kasya sa buong pamilya.
yung mga pinsan ko, medyo adventurous, pupunta lang sa silangan o sa kanluran (sa mga bukid)  wala pang Calabarzon noon at Subdivisions na sumira sa palayan, niyugan at ilog na pasyalan namin noon. pag uwi nila, may manok, pugo or anumang pwedeng maiulam like kabute or fresh na bunga na napitas sa nadaanang taniman.
noon naman mababait ang mga tao lalo't kilala ka. minsan, labanos, kamote, kamatis,sitaw, kadyos, tapilan o kahit anong sarisaring pwedeng ilagay sa takuyan o sakong dala.
eHHHH, yun  na nga, bakit pag maysakit ka, ang ulam, ang sasarap?
nung masakit ang ngipin ko, pritong hita ng manok.
paga ang lalamunan ko, bulalo.
ano ba yan, nung minsan na may ubo at sipon ako, saka naman may ice cream, flavor of the month pa. anak ng tinapakang buhay ito oo, tatakamin ka lang.
at nung malakas ka na, taob na yung gallon ng ice cream.
kakainis, kakatawa.
tulad ngayon, maysakit ako.
malayo sa pamilya ko, walang nag aasikaso, anong oras na ba nagkalaman ang tiyan ko?
noon, every three hours, anjan si nanay o si mrs. laging aro ang gamot ng gumaling kaagad.
ngayon nag-iisa ako....
kaya kayang gamutin ang pangungulila ko at ang alaala ang sakit ko?
tinatakam lang ako......

No comments:

Post a Comment