Thursday, August 11, 2011

Dearest ka Jan, Iba naman ang Laman. 2

"Anak, gising na, at baka mahuli ka ng pasok." wika ni aling Merlie habang kumakatok sa kuwarto ni Janne.

Biglang bumukas ang pinto at nagulat  ang ina ng lumabas si Janne na bihis na.

"Aba, diyata't naiba ang ihip ng hangin?" tingin naman ng ina sa bintana.

"Inay, tigilan nyo nga ako, di ako nakatulog dahil sa Venancio na yun." ang may pagnguso ng dalaga sa ina.

"Asus, iyon ba talaga ang dahilan? ang inis ka? baka naman dahil panggabi ka, ay di ka madadalaw?" tanong ng ina.

"Inay naman, di na, kung siya din lang naman, nungkang di na ako mag asawa" sagot ni Janne habang umuupo sa mesa at magsisimulang kumain,

"Mabait naman ang batang iyon, matulungin, tapos sa pag aaral, naghihintay na lang ng tawag sa inaplayang trabaho, ano pa hahanapin mo anak? pangbibuild up ng ina sa binata.

"Inay, tama na, nawawalan na ako ng gana!" ang may pagtatampong babala ni Janne.

"Siya, siya, kumain ka na, wala na ako sasabihin." sagot ni aling Merlie sabay layo at dungaw sa bintana.
Medyo napaimis ng matanawan na si Venancio ay nasa harapan na ng bahay at posturang postura.

"Mag ingat kayong dalawa ha?" sa mababang tinig na salita ni aling Merlie.

Yumukod na parang gumagalang sa reyna ang iginanting sagot ni Venancio.  Eksaktong pagkakayukod ay sumungaw si Janne at parang may hinahanap.

"Inay, aalis na ako, habang wala pa si torpeng iyon." sabay mano at alis ni Janne na di napansin si Venancio sa harapan ng bakuran nila.

Nagmamadaling nagbukas, lumabas at nagsarado ng gate si Janne ng biglang nagsalita si Venancio sa likod nya.

"Magandang gabi aking mahal! sa malamig na boses ni Venancio.

Sa pagkakagulat ni Janne, napatalon at napayakap siya kay Venancio habang nagtitili.

"EEEEEEEEEEEEEEEeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeH! sabay tingin sa niyakapan nyang tao.
nagkatinginan silang dalawa, mata sa mata, isang nagpapapungay, isang nagulat... saglit.. ng mahimasmasan si Janne na nakayakap siya kay Venancio, naiba ang eksena..


"EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEeeeeeeeeeeeeeeeeH! si Venancio na ang tumitili, isang straight cut,  isang sipa sa pagitan ng hita, ang nasaksihan ng taong bayan na eksena.


Tumba si Venancio, sapo ang pagitan ng hita, sabog ang sipon at luha.. at may nag uubeng marka sa paligid ng mata.

Pagtingin ni Kapitana Offhie sa dalawa, lumapit kay Janne, itinaas ang kamay, sabay sabing,

"Winner by Technical Knock Out!

At tawanan ang mga tao.

No comments:

Post a Comment