Wednesday, August 3, 2011

A L A S (part 4)

"Miss Janette Gregor,,,gory or gowriyow? "
"Miss Janette Gregorio, Gre-Gor-Yo!" ang pagtatama ng babaeng may kasamang bata sa counter.
"Ow, I'm sorry, GreGorYow." Ang may pagdidiin sa pangalan ng magandang babae.
Siya si Janette, middle age, pabalik balik na mula sa trabaho sa Europa.  Kahit ganun, akala mo dalaga pa din dahil sa marunong mag alaga ng katawan. Dumating siya kasama nya ang kanyang bunsong anak mula Switzerland at dahil sa technical failure ng eroplano, nagdivert ang flight sa  Ho Chi Min sa Vietnam.
"Hayy naman, bakit ba naman kung kelan ka nagmamadali saka pa ganito." buntong hininga ni Janette sabay baling sa anak.
"Are you hungry baby?"  tanong sa anak.
"Not yet Mom." sagot sa kanya but nakatingin sa labas ng airport.
"Ok." kinuha ni Janette ang kanyang laptop at binuksan ng dumaan sa harapan nya ang isang pulutong ng pasahero na kasabay nya sa eroplano.
"Janette? Janette Gregory?"
"Ay naku, Gregory na naman." Nag angat siya ng mukha at napamangha sa nakita.
"Ngek, ang liit ng mundo Canuto, sa dinami dami ng lugar, dito pa sa Vietnam tayo magkikita." sabi ni Janette.
"Oo nga, sabi ko na, kanina sa counter, ikaw yun. tama ako, you look ravishing and my God! mahihiya sa iyo ang mga dalaga sa atin." ang may paghangang sabi ni Ken.
"Hoy Canuto, tigilan mo ako, wala akong pera para sa praises mo, in anyway, how do i look?" sakay naman ni Janette.
"Well you look fine, teka bakit ka ba rin nadito, aatend ka din ng reunion ba.? tanong ni Kennedy.
"Oo, isa ako sa admin at officer ng reunion, I think si Mer din yata, Ikaw, bakit ka pauwi ng pinas, Di ba nasa Hungary ka?
"Dahil din sa reunion at sawa na din ako sa Hungary, mostly now, chinese ang hinihire nila."
"Talaga, matindi talaga ang kamandag ng intsik, right after joining WTO, they expand so rapidly."
"Ginawa mo namang rabbit, lika nga, dun tayo sa lounge, makapagkape, tara, sama kayong mag ina."
" Sure Ken, why not? ang sagot ni Janette.

Patayo na sila ng magbabaan ang mga opisyal na vietnamese, may hawak na loudspeaker ang isa at nagsisigaw na,
"All Americans, this side, All other European country this side, all asian people, go down to the Restaurant, hurry, now, immediately."
Sabay pasok ng uniformadong sundalo at pinag tulakan silang lahat.
"Di Chuyen, Nhanh Lhen, Nhanh hon!"
May ibinulong ang isang heneral sa may hawak ng loudspeaker.
"GIET TAT CA NGUROI MY"
At pinagbabaril ng mga sundalo ang grupo ng mga amerikano.
Napatigil ang lahat, gulantang sa nangyari.
DI CHUYEN!!!!!!! ang malakas na sigaw ng general na nandoon.
At pinagtulakan ng mga sundalo ang mga pasahero habang binabayoneta ang iba.
May nagtangkang tumakbo..
"Ban Ong!"
At umalingawngaw ang isang putok..

No comments:

Post a Comment