Thursday, August 4, 2011

A L A S (part 7)

"Masarap na ulam yan, batok, lalo na at crunchy ang balat," turo ni Ched kay Jonathan.

"Sariwang sariwa, hups, sarap nito!" habang kumukuha si Jonathan ng inihaw na seafoods.

" Ang BP, paalala, sabi no M/sgt. Thelma Acob, ang resident nurse ng Kalayaan Islands.

"May baon naman akong sukang paombong," sagot agad ni Jonathan.

"Aba, di inumin mo isang galong suka ng dika mamutla." sagot ni Ched.

"Eh Major, ikaw nga inaalala ko, nung isang araw, para kang balyenang napunta sa lupa." pagbibiro ni Jonathan.

"Hoy Captain Mission, galing ako sa kabilang reef at nilangoy ko lang."

"Nilangoy?" may pagtataka nilang sabi.

"Kaya pala." sabi ni Jonathan.

"Anong kaya pala?" tanong ni Ched

" Nagradyo ang taga Palawan, may nakita daw silang nagkakampay sa laot, ikaw pala yun."

"Nagkakakampay?, ano akala mo sa akin, di marunong lumangoy? sabay hampas sa likod ni Jonathan.

Sasagot pa sana si Jonathan ng magsalita si Sgt. Carla Reglos,

"Mam may paparating na eroplano, masyado mababa ang lipad."

"On your positions, MOOOOVE! utos kaagad ng Major.

Royal Malaysian Air Force BAe Hawk Mk. 108

"We are passing the passing the Kalayaan Island at 400 ft."

"Are'nt we're too low and close to the islands?" tanong ng navigator ng Hawk.

"If it is close, what they can do, ha ha ha, shot us with stones?  sabi ng piloto

"It's a violation of the treaty." pagliliwanag ng navigator.

"Treaty or no treaty, we are armed, they don't have interceptors." sagot ng piloto ng biglang,

"TWEEEET"TRRRRRINNNNG!" Warning! Warning!  nagsindi ang SAM tracking indicator at nagulat ang dalawa.

" We're being painted!" sigaw ng navigator sabay punch sa countermeasure release.

"Where is it, where is it?" habang palingon lingon ang piloto na nagpapanic na rin.
" I can't see it,!"
Lalo pa silang nagkagulo ng magilaw ang SAM launch indicator, isa, dalawa, dalawang  SAM missiles.

"There is it from that reef, not from Kalayaan!"

"That's a vietnamese held island! Mayday! Mayday!, we're being fired upon by SAM missiles. Request permission to engage."

"Copy that Leftenant Abdul Gani, permission granted."

Pero huli na,  umabot na ang proximity fuse sa hangganan, pinaulanan ng sharpnel ang Hawk.

Sumabog ito at walang parachute na nakita, bumagsak ang pirapiraso nito sa dagat.

"Ow, wow,!" tanging sambit ni M/sgt Acob sa nasaksihan.

"I'll see if may survivors, anyong tatakbo si Capt. Mission sa kanyang Huey ng biglang mula sa dulo ng runway, isa pa uling Hawk ang humahaginit  ang lipad at pinaulanan sila ng bala...

Marami ang tinamaan at karamihan ay mga sibilyan na nanonood sa nangyari..

Wala ni isa mang nakatakbo......


No comments:

Post a Comment