Friday, August 5, 2011

Dearest ka Jan, Iba naman ang Laman.

"HOOOOOOoooooy!, ang aga-aga nyong mangbulahaw ng tulog!" ang sigaw ni Janne sa kapitbahay nyang may nagpapraktis na combo.

"Naku nagising na ang senyorita, pack-up na tayo!" sabi ng kapatid nyang si Jojo.

"Bakit di mo sinabi, anjan pala ate mo." ang sabi ni Vhing na matagal nang may pagtingin sa ate nya.
"Sus, sisirain mo na naman araw nun, hayaan mong matulog, night shift eh."
sabad ni Jerry.

"Teka, pagkakataon ko na ito, maramdaman lang nyang siya ay aking minamahal."

" Maestro, music!"
Nagsimulang tumugtog ang combo, TOt, to TOooT, ToooT To TOOOT!

" Teka teka, bakit naging TAPS, wala namang inililibing."
"Ayusin nyo nga, para sa dearest ko ito."

1, 2 ,3

I am not so happy, being lonely, living without you,
And I prayed so hard for your love, In my heart I needed you, Then I look up in the issSKKKKAYYY..

"Nakupo, diyusko po! at napaantanda ang nagdadaang ale sa pagkakarinig ng off key na boses."
"Inaaaang!, sabi ni Janne, bakit di ba ako ipinanganak sa mga darating pang bukas, bakit nakasabay ko sa buhay ang lalaking ito." sabay takip ng daliri sa tenga.

"And I'm thinking why o why!pagpapatuloy na kanta ni Vhing ng may sumigaw.

"VENANCIO, may nagrereklamo na naman dito, nawawalan ka na naman daw ng bait." ang sabi ni Kapitana Offie.

"Eh Kap, naghaharana ho ako!" pakamot kamot ng batok habang nalapit kay kapitana.
"Ano kamo, naghaharana? Pakiulit nga Venancio!" pakli ni Kapitana Offie.
"NAG HA HA RA NA!" pagsasambit uli ni Vhing.

"Halika nga saglit at ako'y may sasabihin sa iyo." ani kapitana habang inaakbayan siya.
"Alam mo ba ginagawa mo? di harana tawag dun! HARANG! halika nga at dito ka sa barangay hall mag harana, haranahin mo ang mga tanod doong mga lasing pa!" at pingot sa tengang binitbit si Vhing ng tiyahing kapitana.

"Aray, aray naman kap!" sabi ni Vhing pero tatawa tawa.

Napasilip si Janne at napatawa sa eksenang nadungawan.

Eksaktong napatingin din si Vhing sabay sabing, " BYE, My DEAREST, BYE! SLEEP TIGHT!

"I-DEAREST mong MUKHA MO! sagot naman ni Janne.

at umalis na sa bintana si Janne at nahiga muli. Ang kapal ng mukha noong Vhing na yun, may pa Dearest dearest pa.  Torpe naman nung pumapasok kami.

At habang nagpapaantok, binuksan nya ang fm radio, pumailanlang sa ere ang kantang "Changes in my Life!"

Ang kantang kinakanta ni Vhing para sa kanya lagi.

Sukat ba namang damputin at itapon sa labas ng bintana ang mini transistor..

"Isa ka pang ASAR!" sabi ba naman ng Janne habang itinatapon ang radio sa labas.

Sa eksaktong pagdaan ng isang bumbay, at nasambot ang  radio.

"Uuuu, Puwede pa ito, Bago pa, Papahulugan ko!' habang sinisipat ng bumbay.

Nabalik sa wisyo si Janne, padagas na sumungaw sa bintana, at natagpuan na nandoon pa ang bumbay.

Sabi ba naman ng bumbay kay Janne,

"Ahh Miss, wala ka bang itatapong pridyider, may naorder kasi! nakangiting tanong ng bumbay.

"Buwisit, ibalik mong radio ko!!!!!!!!!AHHHH, paano ka ba makakatulog pa nito, puro asar ang tao!"

"Eh miss, tv. wala?

"Halika at patutubuan kita na TV sa katawan!"

"Balik na lang ako miss bukas!" sabay takbo ng bumbay...

"Ang radyo ko,  ang radyo ko!" ang paglulupage ni Janne dahil sa ginawa....






No comments:

Post a Comment