Wednesday, July 4, 2012

We all know you're still there for us


by Marvin Pasco Bucu on Sunday, August 22, 2010 at 1:39pm ·

We called you by different names, Ate, Tiya, Nanay..
iba't-ibang tawag, sa iba't-ibang tao
iba't-ibang pagkakilala,
iba't-ibang pananaw.
iba't-ibang personahe.

pero para sa aming kapamilya mo, iisa ang ipinakita mo.
ang iyong naiibang dedikasyon at pagmamahal.
sa kapatid, pamangkin, at higit lahat sa apo.

iba ang iyong ngiti kapag narinig mong Nanay ang unang salita ng iyong pamangkin inaalagaan,
iba ang iyong tawa, punong puno ng buhay kapag isa sa ami'y natutong humakbang at maglakad.
iba ang iyong lungkot, kapag isa sa amin ay may sakit.
kung maari nga lang, ikaw na ang tumayo para sa kapakanan namin.

sa bawat lambing at haplos mo, di namin alam kung anong formula ang gamit mo.
mula sa iyong nakakabatang kapatid, hanggang sa huling umabot sa iyo,
puro nanay ang laging naririnig.

subali't dumating ang panahong kailangan naming hanapin din ang aming buhay,
di ka pa din tumigil sa suporta hanggang sa iba mo pang kapatid.
sa mga pamangking lumaki sa pag aaruga mo,
hanggang sa huli.

iniwan mo man kami, subalit ang aming puso ay ikaw pa din ang nangunguna.
di man namin matumbasan ang iyong mga ginawang sakripisyo para sa amin.
ayaw naming aminin wala ka na,

di na namin maririnig ang iyong hele sa tanghali,
at sa hapag kainan, wala na,
ang kape sa umaga,
ang maruya sa hapon.

ang sinaing na tulingan sa tanghalian,
ang minatamis mong kundol.
ang tsamporadong mula sa tunay na cacao
ang tinola sa gabi.

at higit sa lahat, ang iyong ipinagmamalaking sinukmani at halayang ube.
sa fiesta, iba ang timpla mo ng puchero, ang adobo, at ang relyeno
ang iyong embutido na laging nabubutas
at nawawala ang itlog kasi dinudukot ng iyong mga pamangkin.
lahat ng ginawa mong ito ay  mula sa sariling kamay.

minsang tayo ay dinaanan ng unos,
at pinili mong labanan ito, alang alang sa ating pagiging isang pamilya.
mas ipinakita mo ang tunay na kahalagahan ng pagpapakumbaba,
at pagiging isang nakatatanda sa aming lahat.
binigkis mo kaming lahat sa panahon ng unos.
tulad ng isang tunay na ina sa kanyang mga anak.

subalit mapait ang katotohanan,
maiksi lamang ang buhay.
wala ka na.
pero ang iniwan mong alaala, di lang sa litrato nakaimprenta,
kundi sa puso naming lahat nakaukit.

taglayin mo ang aming munting alaala sa iyo, at sa taong inilagi mong kasama ka namin, kung mauulit din lang,
may ngiti at bukal sa pusong sasabihin namin,
oo nanay, sana makasama ka ulit namin.
hindi lang isang pasasalamat kundi isang panghihinayang na nawala ka na sa amin.

we love you so much and whereever you are,
WE ALL KNOW YOU"RE STILL THERE FOR US!

No comments:

Post a Comment