Wednesday, July 4, 2012

Ayokong Sukatin Ang Buhay Ko


by Marvin Pasco Bucu on Saturday, September 25, 2010 at 11:36am ·

pag harap ko sa salamin, nagulat ako, sino ba itong kaharap ko...kanina lang, tinatawag ako ng nanay ko at papasok na sa eskwela.
kahit naglalakad lang kami, masaya kami, iisa kasi noon ang pwede naming puntahan kung ayaw naming maging taung bahay lang. Ang eskwelahan.
sa simpleng buhay noon, ang kwaderno ay walang idol idol na pabalat. ang baon, hinog na bayabas sa madadaanan naming mga bukirin. ke tapak ka man noon, wala kang takot kasi ZERO BASURA ang paligid noon. ilan lang kaming estudyante at ang pag-aaral ay talagang nasa puso at isip namin noon. kakahiya kapag nagkamarka ka ng itlog o mababa.  habang buhay mo kasing tataglayin ang katagang BOBO.
sa gabi, sa ilaw ng kingke, kahit mangitim ang ilong namin, nagsisiksikan sa liwanag makapag aral lang. at itong buhok ko, secret lang natin ito. di talaga kulot ito. nasunog isang gabi nung kasagsagan ng pagsusulit namin... pumasok tuloy akong kalbo kinabukasan, ok lang makapasa lang sa pag aaral.
naaalala ko pa pag may kasayahan sa bayan, pulu-pulutong kaming magsasamang kababaihan para manood, at noong unang pagdalo ko ng sayawan kasi js prom. andoon buong angkan namin para bantayan ako, tuwing may lalapit at isasayaw ako, si tatang awtomatikong nabunot ng itak kaya ang mga lalaki, di ako isayaw.
sa pagdadalaga ko at pag aasawa, panibagong hirap at pakikisama ko ang lumutang, kasama na din sa paglutang sa ere ang ingay ng  mga bata.  ang iyak, ang tawa, ang pagsusumbong ang kakulitan ng mga anak ko, akala ko, wala ng katapusan.
at eto ako ngayon, may sarili na ring pamilya ang mga anak ko, natupad na ang mga pangarap namin para sa kanila, at kaming mag-asawa ay panatag na sa buhay.
ang bilis nang panahon, mula sa unang pagputi ng buhok ko at sa tuluyang maglaho ang itim, parang saglit lang.
subalit sa kabila nito, di pa rin nawala ang aking mga kaibigan na laging andiyan at nagpapaalala sa akin na kayganda ng buhay.
sa panahong nangungulila ako sa lupang aking kinagisnan, i have friends na masasabing isang kapamilya na din.
i wonder if masusukat ang buhay ko, siguro pagdating na sa family at friends ko, INFINITE ang term ko.....

No comments:

Post a Comment