Wednesday, July 4, 2012

No More Arms That Carried Us


by Marvin Pasco Bucu on Friday, August 20, 2010 at 10:34am ·

7 days ago, sinulat ko na namimiss na kita.
  akala ko hallucination lang iyong nakita ko, pero di na pala.
 alam mo, ang hirap nitong ginagawa ko, pero wala ito sa hirap nang ginawa mo para sa akin, para sa amin lahat.
 oras ang tumatagal bago ko mabuo ang isang pangungusap, sa pagitan ng iyak, hagulhol at pagpahid ng luha, dun pa lang tumitipa ang aking mga daliri para mabuo lahat ito.
naaala ko pa noon ang pagiging disiplinadora mo sa aming magkakapatid dahil kami ang lumaki na nasa piling mo, ang pagaalaga mo sa bawat isa sa amin, kapag maysakit, parang ikaw ang aming ina na nag aalala sa amin.
sa aming paglaki, pagkamulat, nandoon ka lagi, at kahit na may sama ka ng loob sa amin, palihim ka pa ding tumutulong sa amin, lalo na sa akin. hindi ko alam paano ko mababayaran iyon dahil sa aking pakikibaka di ako naging kasing tulad nilang naging matagumpay sa larangang pinili.
buhay kang mananatili sa puso at isipan namin, dahil sa pagmamahal at pag aarugang ibinigay mo sa amin, hinding hindi ka namin malilimutan.

ikaw ang tali na nagbigkis sa amin at hanggang sa huli, sinamahan mo kami kahit kami ay may kanya kanyang pamilya na.
wala naging patnubay namin sa pagsulong sa gulong ng buhay.
wala na yung nagkakarga sa akin kapag masakit ang ngipin ko nung kabataan ko.
naaalala ko pa nung pasko na maliliit kami, nung bigyan mo kami ng isang box na laruan na mula sa pinag ipunan mo, para kami noong tumama sa lotto,
kapag may handaan, ang iyong luto at iyong mga minatamis na talagang tumatagal ng taon bago masira, wala ng makakagawa nyan.
kapag darating ang mga kapatid mo, ang iyong preparasyon kahit dis oras ng gabi, maging maayos at masarap ang kanilang daratnan, wala ng makakagawa nyan.
kapag pinamumulot kami ng bunga, para sa nganga mo, wala ng kaming dadalahan.
kapag nagyayaya si chloe, punta tayo nanay, wala na si nanay chloe siguro di mo alam, mas masakit sa amin ni chloe ang pagkawala mo kasi ikaw ang namulatan nya, at ako ay namulat din sa iyo.

wala kang naging pamilya kundi kami na naging dedikado ka at di kami iniwan.

kasama ka na ng lolo at lola,
ng tatay ba, tatay do at tatay lito,
ng kakang ite at kaka marcelina,
ng aming daddy,
we are very gratefull na naging miyembro kami ng pamilya, thru thick and thin
sa hirap, at sa hirap pa rin.
di namin kayo malilimutan
it's now your time..
we regret losing you
pero ito ang buhay!

No comments:

Post a Comment